chapter 1: calculus is my cancer
Her POV
9:00 AM, March 23, 2016 ang unang exam ko ngayong araw. I haven't read a thing about that subject-- Surveying. Masyado yata akong naaliw sa long vacation namin. I have no idea what to read. Wala naman na akong handouts na naiuwi. Bahala na talaga.
Isiniksik ko lahat ng scrap papers na nagamit namin ni Kuya Jay Mark nang nagpatutor ako sa kanya sa Differential at Integral Calculus a week before last week. This was the time na bumisita si Clarence sa university at naabutan akong wala roon dahil malamang nasa tutor session na ako sa ibang campus kung saan dentist ang aking tita. My aunt was the one who arranged my tutor sessions with a math wizard, 5th year Mechanical Engineering student, Kuya Jay Mark. I don't want to turn down a single session but recently, hindi ako nagpatutor. Bumagabag talaga 'to sa akin.
Nang nakarating ako sa Imelda Residence Hall, diretso agad ako sa room 13a at nag-impake. Iuuwi ko raw lahat ng mga gamit ko sabi ni tita dahil apat na buwan ang bakasyon. Swerte namin dahil nag-adjust ang start of classes from June to August na. Mahaba habang bakasyon at sana lang hindi ko maconsume ang 4 months kaka-reexam sa mga subjects na alanganin akong pumasa. Ang tanging iiwan ko lang ay ang mga balde at planggana. Kinatok ko ang kwarto nina Dana at doon ko na rin siya naabutan.
I wore my favorite yellow polo shirt, fitted denim jeans, and my favourite pair of leather Keds. Plain Jane but I feel so comfortable. Sa loob ng bus kanina, nagrosaryo na rin ako hindi lang dahil mag-eexam kami kundi para sa safe trip na rin. Besides, si tita ang laging nagsasabi na magdasal ako every trip.
According to Dana, 1:30 PM ang scheduled exam sa calculus. I feel blessed dahil may time pa para magreview. I had more time before this though and I wasted it. Inaantok nga ako kasi alas quatro ako ng madaling araw nakatulog. I didn't do something productive kagabi at kaninang madaling araw. Ang sabi ko pa'y magsusulat ako ng formula at iba pa but then naunahan ako ng katamaran. At nagsisisi ako sa katangahan ko. Imagine, nakatulala lang ako sa mga papel na maraming solutions. I am stuck with the thought na 'di ko kaya.'
Hindi ko alam kung anong gagawin sa lahat ng problem solving sa back page ng exam. I relied on Dana to tell you frankly. Thanks God I have her na tumutulong sa akin. Akala namin noong una na one hour lang but hell! It took 2 hours! Akala ko'y makakareview ako but I wasn't able to do it dahil gahol sa oras! Ramdam ko ang inferiority. Ako na naman ang kaunti ang nalalaman. Ako yong slowpoke sa aming magkakaklase. We're eleven in the Integral Calc class at pahirapan pumasa. 3.0 na nga ako dati sa Anal Geom at Differential Calculus. I can't imagine myself as an engineer someday because of the failing grades I got.
Pagdating ng exam sa calculus, nakakapanlumo. Ang tanga ko. Sobra. I can't describe my idiocy and ignorance. Halos maiyak ako sa katangahan ko. Parang kailan lang ay nabasa ko kung paano ang integration ng sphere! Ngayon ay hindi ko na maalala! Nahirapan pa nga ako sa graphing at mabuti't may nahiram akong sci cal from Heizelle na classmate ko. Naku! Kung alam niyo lang, ang 1k worth na calculator ko ay nawala last month lang. Gee!
Tumingin ako sa kanan ko, they're solving- Melissa, Cristy at Dana. They're damn solving. I tried alright? Nang sa kaliwa ko naman ay mas lalo akong nawindang dahil sa determinasyon ni Nemesio. Gee! Iyong iba pa'y hindi ko na nasundan ang ginagawa katulad nina Jesrael, Jonathan, Kuya Manuel, Kuya Edwin, ni Joel at ni Kim. Argh! Ewan ko na lang talaga!
The exam was divided into two: 1.) Evaluating integrals and 2.) Solve the problems below:
1. Find the are bounded by the curve x^2+2x-y+1=0 and the line x-y+3=0.
2. The area bounded by the parabola y^2-x-6y+5=0 and the line x-2y+2=0.
3. Using integration, determine the volume of a sphere.
4. Find the volume generated by revolving about the line y=-1 the area bounded by the curve y^2-2y-x=0, x=-1 and y=-1 using any method.
Binabasa ko pa lang ay dumudugo na ang utak ko. I wanted to cry dahil nabasa ko lang talaga kanikanina iyong volume ng sphere! I am so careless! Dapat ay minemorya ko iyon pati ang volume din ng cone!
After that, I want to hang myself.
Pagkatapos na pagkatapos ay diretso sa dorm kami ni Dana. While fixing my things, my phone rang. Kumabog ang dibdib ko nang pangalan ni tita ang nagflash sa screen ng tab ko. Fvck. Napaluha ako nang tinanong na sa akin how's the exam. I told her na baka bagsak ako. I felt the coldness.
To Clarence:
Clarence... Alam mo ba, ngayon yung exam namin ng calculus. Katatapos lang. I failed. Panigurado. Yong feeling na tanggap ko na pero di nila tanggap. Okay lang naman bumagsak e pero hindi okay para sa kanila. Geez. Kung bakit ba ang bobo ko? Ayoko na ngang umuwi sa bahay kaso wala naman akong pera. Iiyak ako mamaya sa bahay though teary eyed na ako kanina pa.
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung nakarating na ako sa city. Tatakas ba ako sa wrath at disappointment nina lolo, lola, tito, tita, mama at papa? Kaya ko kayang i-take ang reactions nila? Pwede bang magbigti na lang?
Dumating ang araw, nag-reexam kami sa Integral Calc. April 6, 2016 iyon. Mas mahirap na naman itong sumunod na exam. Bilib ako sa kakayahan ni Sir Gil na pahirapan kami sa subject na'to. Nagreview din ako before the exam. Nagpa-tutor ako and worth it naman kahit laging late si Kuya Jay Mark sa appointment namin.
April 11, 2016, I received a message from Sir Gil. Ang laman ng mensahe ay---
"See me anytime today. Office."
Startled ako lalo pa't hinihintay ko ang result nong reexam namin. Ang tagal pa man din niyang magreply. Sabado nang nagtext ako at ngayong Lunes lang siya nakareply.
Gumimbal sa akin ang text ni Cristy sa araw ding iyon, "Reexam daw."
Ulit.
Nagmadali akong nag-toothbrush at naligo. Buti na lang kabebreakfast ko lang! Minadali kong hakutin ang mga reviewers ko from Kuya Jay Mark. Bahala na kung anong mailagay ko sa backpack ko.
Habang nasa bus ako e nagtext si Vanessa at sinabing pupunta naman si Clarence ngayon sa university. Hindi siya nagsabi! Hindi ko pa man din dinala iyong T-shirt na ibibigay ko sa kanya from Vigan! BAHALA TALAGA SIYA!
Pagkatapos na pagkatapos ng re-exam ay tinext ko na si tita. Agad naman siyang tumawag sa akin. Nagulat nga rin ang mga kasama kong nagreexam dahil responsive si tita. Gee, disappointed siya. Who wouldn't? I am a failure again for the... nth time? Noong midterms at final exam ng differential calculus, differential calculus reexam, midterms and final exam ng integral, noong integral calculus reexam tapos ngayon na surprised integral calculus reexam. Seriously, ang gulo.
Nang nasa bus na ako ay di ko inalintana ang mga problema sa bahay. I stayed calm. Katext ko pa nga sina Cristy at Clarence e kung anong ginagawa ko o nasan na ako.
Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kina lolo at lola. Gulat naman si Cashel, kapatid ko, na nagreexam ulit kami. Hindi ko kasi sinabi na magrereexam ulit kami. Abrupt nga ito e. Naghanda lang muna ako ng pagkain ko bago pumunta sa bahay nina tita na sa kabilang bahay lang. Nagmano naman ako sa kanila ni tito. And when she started chiding me like a little kid, I bowed my head with embarrassment, failure and regrets. Nilaro ko ang mga daliri ko sa paa habang di mapatid ang pagpatak ng mga luha ko.
Marami siyang sinabi sa akin. Striking words. I want to fire back pero as respect, I remained silent. As if makakapagsalita ako e halos humikbi na ako. Thank heavens for the dim lights. Thank heavens din sa iPad mini niya na pinagtutuonan niya ng pansin. Maybe nagfefacebook.
Bumaba ang tingin ko sa sarili ko dahil sa mga sinabi niya. Mas gugustuhin ko pa nga sanang mag-stop sa pag-aaral. But who would like this? Ayokong itigil ang pag-aaral ko. She keeps on reminding me na dapat mag-aral akong mabuti. I am doing the same thing pero malupit ang calculus. Bakit ba hindi nila maintindihan na nahihirapan ako? Lahat kaming nagreexam last time ay magte-take ulit. What's the matter with that? Hindi ba makatotohanan?
Sarap ngang magbigti. Hindi nila alam na nasa point na ako kung saan I want to end my life! Literally na gusto kong magbigti. Parang biro pero hindi. I always have this feeling to kill myself. Maging ngayon. Parang gusto kong kitilin ang sarili ko.
Sumulpot na lang ako sa bahay ng bestfriend ko kinaumagahan para humiram ng pera. 200php lang ang baon ko kahapon. Ang lakas nga ng loob kong maglayas e. Bahala na. Pupunta akong Laguna. That's for sure. Bahala na talaga. La Union to Manila. Ni hindi ko alam paano makakarating sa Laguna. Break a leg sa akin.
Napapaluha ako habang nagmumuni muni nang nasa bus akong papunta sa bahay ng bestfriend ko. Hindi na ako makakabili ng mga libro kung mawawalan ako ng scholarship. Isang kahihiyan din ang magaganap. Proud na proud pa naman si lola na ipakilala ako as DOST scholar. I am a failure. Ang iniisip ko ay kung nagsolve lang sana ako ng solve before the exam ay makakapasa ako. Kung siguro nagpatutor ako before ng exam ay nakapasa ako. Kung sana ay biniyayaan ako ng kagalingan sa math, edi successful sana. Kaso ayaw sa akin ng subject na'to.
"May maipapahiram ka ba sa akin?" tanong ko nang naipaliwanag ko na sa kanya kung bakit ko napaagdesisyunang lumayas. Usually ang gawain ko ay mag-stay dito kina Marcoa to escape from family matters. Ngayon ay naglevel up na ang gusto kong mangyari sa akin. Alam kong parang wala akong patutungahan sa pagpapakalayo layo ko dahil uuwi rin akong empty pockets at luhaan pa siguro.
"Ang layo naman kasi niyan, Oting! Alas singko pa lang! Buti't may nasakyan ka!"
"Psh. Basta. Please?"
Nakaupo kami pareho sa kanyang bed habang nag-uusap. Nagtimpla rin kami ng instant coffee dahil maganda ang umaga para mapagsaluhan ang mainit na kape.
Marcoa lent me PHP 5,000.00 for my trip-to-somewhere-out-there kahit alam kong kulang iyon. Buti na lang at maykaya sila. Makikitira na lang muna ako sa simbahan kung wala akong pang-hotel o travelers inn. Or I can go to... Risa's house sa Laguna. Hindi ko naman siya close e. I've known her sa isang site. Ang alam ko'y tagaroon siya. She gave me details.
I stayed at Marcoa's house for hours. Ang kasama niya sa bahay ay ang nag-iisang kapatid niyang lalaki at ang kanilang tatay. Bungalow ang kanilang bahay at kapag nakabukas ang kandyang pintuan ay tanaw namin ang salas at TV set. Kapag gabi ang tanda ko ay naka-airconditioned kami rito sa kwarto. Ang masaklap noon ay hindi man lang kami bigyan ni Marcoa ng kumot kapag makikitulog kami ni Dianara.
Nang naghapon ay saka ako lumuwas.
Grabe ang kaba ko nang nakapuwesto na ako sa loob ng Partas. Gusto kong mag-backout sa plans ko dahil nagflash sa utakko ang mukha nina mama at mga kapatid ko. Ako pa man din ang eldest. I should be the paragon of virtue. Anong ginagawa ko ngayon?
Marcoa waved her hand goodbye to me. Tipid akong ngumiti. Hindi ko namalayan na umaalis na ang bus at lumalayo na ako sa probinsya namin. The one seated beside me was a guy with an absurd mustache. American ang features niya at napangiti ako. Siguro magandang kausap ito dahil English speaking? Sayang lang dahil nakashades siya at nakasuot ng earphones. Buti pa siya may sunglasses. Sayang wala akong dala. Nahihilo pa man din ako sa nga streetlights.
Alas siete pa lang a? Pero talagang inaantok na ako.
Nagising ako dahil parang tumigil na ang bus. Wala nga akong makitang ilaw sa labas e pati dito sa bus ay dim lights lamang. Naiihi pa man din ako. Nasaan iyong katabi ko? Tumayo ako para tignan ang mga tao rito sa loob. Pumikit ako ng five seconds at sinabayan ko nang pag-inhale. Nang nagmulat ay siyang pag-exhale ko.
"Where are you, people?"
Napakamot ako sa ulo ko at saka umupo. Pumikit ulit ako ng ilang segundo saka nagmulat at tumayo. Pati sa driver's seat ay wala. Wala rin iyong konduktor. Walang tao. Shocks. Alangan namang na-holdap ang bus at ako ang iniwan dito? Wala man lang bang gumising sa akin? Bakit di nila ako dinakip man lang? I wanna be alone pero hindi ganitong pag-iisa ang hinahangad ko. Seriously? Nasaan sila?!
"Manong? Manong driver?"
Umalis na ako sa upuan ko at nagmartsa na palapit sa door. Shiz. Paano ko naman ito bubuksan?
I gasped when the door automatically opened. Nagsimula nang tumindig ang balahibo ko. Nanginginig na rin ang tuhod ko sa takot. Madilim sa labas at malakas ang hangin. Gee! Ramdam ko ang lamig! Nasaan na ba kami?
"Manong!" sigaw ko na dahil sa takot.
Wala akong ginawa. Di ako gumalaw pero biglang may kamay na humablot sa aking braso at hinila ako palabas. Napasigaw na ako sa gulat. Wala akong makita, madilim na madilim. Masakit sa mata at sumasakit dibdib ko sa kaba.
"Mama!" bulalas ko pa.
Para naman akong lumulutang habang hinahawakan ako ng kung sino. Pumikit ako dahil sa lakas ng hangin. Nang binitawan ako ay mas napasigaw ako. Halos pumutok ang ugat sa leeg ko dahil sa sigaw ko.
"Miss, nandito na tayo," nakangiting sabi ng katabi ko.
I gasped. Blurry pa ang nakikita ko nang nagmulat akong mata. Babae ang tumapik sa kaliwang balikat ko. Siguro ay kanina pa nakababa iyong unang katabi ko kanina. I sighed. Tumayo ako para tignan ang mga tao. Kalahati na lamang ang laman nito. Nginitian ko na rin iyong babae kanina. She's so pretty. Para siyang Hailee Steinfield na short hair. Napalunok ako nang marealize ko na naman ang mga iniwan ko. Patay ako kina tita. Patay din si Marcoa dahil tinulungan niya ako.
Matamis ang ngiti sa akin ng konduktor kaya nginitian ko na rin ng matamis. Bahala na talaga.
Nang nakababa ako ay tumingin ako sa paligid. Alas dose na pala pero ang daming mga tao rito sa labas. Maraming naggigrill ng barbecue. Naamoy ko iyon at napalunok. I'm famished. Gusto ko tuloy bumili kaso nagtitipid ako. Baka mawalan ako ng pera.
"Hi, miss," ani lalaking naka-hood.
"Uh... hi? May taxi pa ba? Bakit parang wala? Jeep? Terminal ng bus?" tanong ko. Umangat ang tingin niya. I saw his beautiful face. He has straight and thick eyebrows and his mouth is set into a thin line, his thin lips are obvious. His features are foreign as I can see with his pointed button nose. Kahit naman naman naka-hood siya ay kita ko ang ibang buhok niyang sumisilip na parang kulay orange in a very dark shade.
Pula ang nga mata nito. Whoa. Creepy. Kumunot ang noo niya sa akin na para bang hindi naintindihan ang sinabi ko.
"Ta-what?"
"Taxi," ulit ko. "Sa terminal sana ako. Pupunta akong Laguna. O kaya port." I don’t even know what I’m talking about.
"Taxi? Wala kami niyan!"
I felt weird. Naging weirder dahil narinig ko ang tunog ng train sa likod ko. What? Train ba ang sinakyan ko kanina? Paano?
Itong lalaking to e parang inuuto lang ako. Nanliit ang mga mata ko at nakita niya iyon.
"Claude!" sigaw nito. HIndi niya yata ako kayang sagutin.
Lumingon siya sa likuran niya at may sinenyas. "Halika ka nga rito! Someone's searching for a... ta-xi. Pupunta raw sa Laguna?"
"A---no?"
Hindi rin naintindihan ni Claude iyong sinabi niya kahit palapit na ito sa amin. Just wow.
"What the? Gago! Tao yan!" Binatukan nong Claude itong lalaking una kong nakausap.
I am not dumb. Ako ay tao. Eh ano sila?
"She's a human," ani katabi ko kanina sa bus.
"Nyssa!" Claude exclaimed. Naestatwa naman iyong lalaki kanina nang nakita itong Nyssa. Whoa, ang ganda ng pangalan niya.
"Oh, gulat ka yata, Brice?"
"Who wouldn't? Nagpagupit ka?" sabi naman ni Brice na parang hindi maintindihan ang ekspresyon. Tumaas ang kilay ni Nyssa.
"Isn't it obvious?"
"Saan ka tutuloy?" tanong naman ni Claude na kinukuha na ang bagahe niya.
"Sa inyo. Siyempre." Kumindat siya sa kanya at ngumiti naman sa akin.
Napangiti si Brice sa narinig at inakbayan niya ang kaibigan. "Ganda talaga ng pinsan mo, Claude. Sleepover ako sa inyo ha?" aniya na para bang may kalokohang balak.
Ah... magpinsan pala sila? Ang similarities lang nila ay iyong cleft chin nila. Napangiti ako sa mga nasasaksihan ko. First, tao raw ako. Second, may problema si Claude doon sa grade niya. Third, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi ako nasa Manila. Forth, alam kong hindi agad ako makakalabas dito. Fifth, mas malayo ito kaysa sa Laguna.
Tinaliman naman ni Nyssa ang tingin niya sa dalawa. "Off limits ang bahay. Galit si mommy dahil nga 88 lang ang marka ko si PE," ani Claude. His expression is pokerfaced though as if hindi siya ganoon ka-affected.
Humalakhak si Brice habang niyuyugyog pa ang balikat ng kaibigan. "Iba na talaga kung momma's boy," ani Brice.
"Loko. Let's go," sagot ni Claude at umiling pa.
Tumalikod sila sa akin at naglakad sila na akmang iiwan na nila ako. Ako naman ay nakayuko lang. Nasaan ba ako? Wonderland? Underworld? Heaven? Hell?
"W-wait," pigil ko.
Sabay sabay silang lumingon sa akin.
"Oo nga pala!"
Binalikan ako ng lalaking may dimples, si Brice. "Paano ka ba nakapunta rito? Nyssa, do you have an idea?"
Napatingin sa itaas si Nyssa na wari'y malalim ang iniisip. "Actually... wala akong maalala. Pagkamulat ko ng mata, magkatabi na kami. At... hindi ko nahalata na tao pala ang katabi ko. Hmm..."
She scrutinized me from head to toe. Nang may napagtanto na siya ay hinawakan niya ako sa leeg. "She's wearing the necklace. Hindi natin maaamoy na tao siya. Wow. This is wow." Hinila niya ng kaunti ang necklace ko at inamoy pa. Her eyes glimmered when she’s done touching the necklace. Curious naman ang naipintang reaksyon sa kay Claude.
"Sino naman kaya? Mag-consult tayo sa mga Kennedy?"
"Brice, malayo pa sila rito. Royce texted me na busy raw sila ngayon dahil sa soiree. Hindi na nga niya ako nasundo. Well, surprised nga naman ang dating ko." She even smirked.
"Ikaw, miss? Sa tingin mo, paano ka nakapunta rito?" Claude finally asked.
I don't want to explain right now. Pagod na ako at kailangan ko ng mag-check in sa nearest inn. Ugh! I need bed! Medyo pagod na rin talaga ang likod ko.
"Idunno... wala bang mumurahing inn dito? What is this place?"
"Enlook Orville," proud na sabi ni Brice at nginitian ako ng sobrang malaki. "A vampire town. Rawr!" He gestured his hands into claws, trying to be funny and scary.
Napangiti ako sa nalaman. Yeah, unbelievable! Seryoso? Vampire city? Parang story ni Thyriza? Really? Pero... vampire town?
I was feeling the amazement not until I heard a voice that interrupted me.
"Ang isang katulad mo ay hindi nababagay dito."
Malamig at buo ang tinig nito. Medyo may katandaan na rin ang boses. Authoritative iyon at nakakapanindig balahibo.
"Tito? Akala ko busy po kayo..." anang tatlo.
"I skipped. I smelled her fresh blood beneath her skin. Ako lang naman ang nakaamoy sa kanya kaya walang problema." The way he looked at me wasn’t dangerous but full of curiosity and determination to get rid of me.
Napalunok ako bago humarap sa nagsasalita.
There, a fine man is standing, both hands are in his pocket. He is dressed in his dark grey suit and tie and brown leather shoes. May brown suitcase din na parang kakaibaba lang niya para lamang makausap ako. He looked old with wrinkles on his face but gracefully handsome.
Sixth, nasa vampire town daw ako.
Isn't this cool?
Seventh, siya raw ang governor dito sa community.