KABANATA VI: BOSES NG KABAYO

1208 Words
Maagang nagising ang tita ni April para ipaghanda ang mga kasama niya ng almusal. Unang nagising si Jenill habang ang mga kasama ay humilik pa dahil sa pagod sa pinuntahan nila kahapon. Wala syang maisip na pupuntahan nila ngayon, kaya sa bahay muna sila tatambay ngayon. Mag-iisip nalang sila ng maaring gawin sa buong maghapon para hindi sila maburyong. “Good Morning Guys” masiglang bati ni April sa kanila. “Mukang ang ganda ng gising mo ngayon ah” pabirong tugon ni Joshua sa kanya. Nang magising na silang lahat, sabay-sabay na nilang pinagsaluhan ang niluto ng tita ni April na almusal. Tila gutom na gutom sila dahil halos tanghalian na ang kanilang pagbangon. “Ang init guys di niyo ba feel?” maarteng tanong ni April “Summer na kasi, kaya nga kahit kaliligo ko lang ay pinagpapawisan na agad ako” sagot ni Owen “Wala bang malapit na resort dito? Yung madaming chikababes. Miss kona mga babies ko ee” tanong ni Wawie “Duh!! Shunga ka ba? Alam mong liblib na lugar to, tas hahanapan mo Resort na madaming babae.” Pamimilosopong ni April kay Wawie. “Nagbabaka sakali lang naman” bawing tugon ni Wawie Nag-isip saglit si Jenill. Inalala niya yung ilog na pinagliguan nila ng kanyang mga pinsan malapit sa bahay nila. Muntik na siyang malunod noon, buti nalang nakita siya ng kanyang lolo kaya nasagip siya. “May naalala akong ilog malapit dito, gusto niyo ba pumunta dun? Para kahit papaano ay mapawi ang init sa katawan niyo.” Suhesyon ni Jenill sa kanyang mga kaibigan na kanina pa init na init. “Yan ka nanaman sa malapit mo Jenill, kahapon yung sinabi mong malapit halos abutin tayo ng siyam-siyam sa paglalakad. Halos mapatid na nga ang swelas ng tsinelas namin” reklamo ni April kay Jenill na nagpahalakhak sa buong barkada. “Sus! April reklamo ka ng reklamo, panay naman ang titig mo sa kakisigan ni Mang Paeng. Todo tanong ka pa sa kanya para lang kausapin ka niya” pang-aasar ni Owen sa kanya. “Hoy Owen wag kang issue. Humahanga lang ako sa kasipagan ni Mang Paeng. Nako yang utak mo talaga.” Inis na tugon ni April Matapos nilang mananghalian ay naghanda na sila ng kanilang mga dadalhin sa kanilang pagligo sa ilog. Unang beses nilang lahat makaliligo sa ilog maliban kay Jenill at Tita ni April. Mga anak mayaman kasi silang lahat. Kanya-kanyang bahay ay may sari-sariling Swimming pool kaya hindi na nila kailangan pumunta sa kung saang resort para mapawi ang init sa katawan. “April ang tagal mo naman. Ilog lang liliguan natin hindi beach. Kaya wag kana magbikini.” Bulyaw ni Wawie sa kwarto ni April. “Eto na nga. Ligong ligo kayo?” pang-aasar ni April sa mga kaibigan. Nang makababa na si April mula sa kanilang kwarto ay inumpisahan na rin nila ang paglalakad patungong ilog na malapit sa bahay nila Jenill. Halos tatlumpung minuto rin silang naglakad at narrating na nila ang sinasabing ilog ni Jenill. Namangha silang lahat dahil angking dalisay at ganda ng tubig ng ilog na taliwas sa ilog na nakikita nila sa siyudad na kulay itim at madaming lumalangoy na mga basura. Isa isa nang naghubad ng pantaas na kasuotan ang mga kalalakihan, mamalas ang pag-aalaga nila sa pangangatawan dahil sa kakisigan nilang taglay at sabay-sabay na silang lumusong na sa ilog. Halos lagpas tao rin ang lalim nito, mabuti na lamang ay marunong silang lahat lumangoy. Hindi nila namalayan, nagikot-ikot muna sa paligid si April, samantalang ang tita niya naman ay ang nagbantay sa mga gamit ng mga kasama. Nang mapagod na sila kalalangoy ay napagdesisyunan nilang umuwi na, sakto naman ng pagdating ni April sa paglilibot kaya hindi na siya nakaligo. “April san ka galing?” pagtatakang tanong ni Joshua “Ah dyan lang sa tabi-tabi” sagot ni April ng walang gana. Isa-isa na nilang inayos ang kanilang gamit, siniguradong walang naiwan na kahit anuman saka nilisan na nila ang ilog na pinagliguan dahil malapit na rin lumubog ang araw at kung ano pa ang mangyari sa kanila daan kung abutan pa sila ng dilim. Habang naglalakad napansin nila na parang umiikot lang sila sa kanilang dinaraanan. Tila hindi na sila nakakauwi ng kanilang bahay kahit ilang oras na silang naglalakad. “Guys may sumunod nanaman sa atin galing sa sapa, sinusubukan nila tayong iligaw para marating natin ang kanilang lugar. Subukan nating baliktarin ang ating mga damit.” Mungkahi ng tita ni April. “Ano nanaman tong kalokohan na ito?” inis na tanong ni Jenill “Sundin nalang natin siya pre, wala namang mawawala kung susunod tayo ee” bulong ni Owen. At wala nan gang nagawa si Jenill kundi sumunod, kaya isa-isa na nilang binaliktad ang kanilang mga damit at pinagpatuloy na ang paglalakad. Naging epektibo nga ang kanilang ginawa. Wala pang sampung minuto ay natagpuan na nila ang bahay nila Jenill. Habang naglalakad napansin nila na tila balisa si April. Hindi ito umiimik na taliwas sa kanyang ugaling masiyahin at madaldal. Hindi na ito pinansin, inisip nalang nila na baka pagod lang ito kaya tahimik. Minabuti nalang nilang magpahinga na sa kani-kanilang kwarto. Hindi na nila magawang magkwentuhan dahil sa pagod. Kanya-kanya nalang bukas ng kanilang mga Social Media Accounts ang magkakaibigan nang biglang bumuhos ang napakalas na ulan. Hindi nila inasahan iyon dahil maghapon na tirik ang araw at sobrang alinsangan ng paligid. Papikit na si Jenill nang biglang umilaw at tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang nobyang si Nicole, kinakamusta lamang sila sa kanilang bakasyon. Biglang tumaas ang balahibo ni Jenill nang sumunod na tinanong ni Nicole. “Nasa farm ba kayo? Bakit may boses ng kabayo akong narinig. Ang sakit sa tenga.” Tanong ni Nicole. Sa sobrang gulat ni Jenill ay napalabas siya sa kanyang kwarto at kinatok ang kwarto ng mga kasama. Nagulat silang lahat sa inasal ni Jenill na halos masira na nito ang pinto sa sobrang lakas ng katok. “Ano bang nangyayari sayo pre? Bakit parang namumutla ka?” tanong ni Wawie “Amm…. Ano kasi…. Tumawag ako kay Nicole…… may narinig daw ……syang kabayo sa kwarto….” Utal utal na sabi ni Jenill sa mga kaibigan “Sabi na ng aba ee nasundan tayo ng isa nanamang elemento. Ang huni ng kabayong narinig ng iyong kasintahan ay tinatawag na Anggitay, kalahating babae, kalahating kabayo.” Banggit ng tita ni April. “Halla, bakit naman ako susundan nun? Naligo lang naman kami ng ilog kanina” pagtatakang tanong ni Jenill. “Baka nabighani siya sa iyong kakisigan. Napansin niyo rin ba kanina na nung hindi tayo makabalik sa bahay, nasa likuran lang natin sya. At nung biglang pag-ulan ng malakas kahit maalinsangan maghapon. Sila rin ang gumawa nun.” Paliwanag ng tita ni April “Paano ko po siya mapapauwi?” tanong ni Jenill “Bago tayo bumalik sa siyudad magoorasyon muna ako sa bahay na ito para hindi na nila tayo samahan pauwi. Mananatili nalang sila dito.” Sagot ng tita ni April. Ayaw man paniwalaan ni Jenill ngunit sa tuwing naiisip niya ang mga nangyari ay napapaisip siya na totoo pala talagang may ganitong nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD