KABANATA X: ALA-ALA

920 Words
Isang hindi makalilimutang karanasan ang naranasan ng magkakaibigan sa kanilang paglalakbay sa probinsya nila Jenill. Mga paniniwalang nabuksan, mga konseptong naliwanagan at mga aral na dadalhin nila habambuhay. Huling araw na nila sa probinsya nila Jenill. Maaga silang nagising para ayusin ang kanilang gamit at ihanda ang kanilang sarili para sa kanilang pagbabalik sa kanya-kanyang bahay. Sinigurado nilang wala silang maiiwang gamit dahil hindi na sila babalik sa probinsya nila Jenill at kung babalik man baka matagalan pa dahil bibihira nalang silang magkikita dahil iba iba silang unibersidad mag-aaral. Nang maayos na ang lahat ay tinungo na nila ang daan palabas ng bahay. Habang naglalakad sila ay nasa gilid nila ang mga elemento na gumambala sa kanila. Nakahilera sila sa gilid at tila nagpapaalam sa kanila. Hindi ito nakikita ng mga magkakaibigan ngunit nakikita ito ng tita ni April kaya siya nalang ang nagsabi nito sa mga kasama niya na siyang nagpataas ng balahibo ng mga kasama. “Huwag kayong matakot, nagpapaalam lang sila sa atin. Mababait naman sila sadyang nagambala lang natin ang kanilang tahanan kaya sila sumunod. Binibigyang pagpupugay nila ang ating katapangan at determinasyon kaya sila nakahilera sa ating dinaraanan.” Pagpapaliwanag ng tita ni April. “Salamat naman kung ganun. Nasagot na ang matagal nang katanungan sa aming mga isipan at napatunayan na rin namin ang isa sa aming mga sadya kung bakit kami narito maliban sa pagpasyal at ala-ala” ani ni Owen “Mahirap man paniwalaan nung una pero kung lalabas ka sa iyong paniniwalaan at bubuksan moa ng iyong isipan sa posibilidad, madamai palang possible na parang imposible sa mundong ito.” Tugon ni Jenill “Buti na nga lang tinuloy natin itong galang ito ee. Mas astig pa ito sa mga naranasan natin noong pumunta tayo HongKong Disneyland. Doon sandal lang ang thrill ngunit ito madadala pa natin sa atin habambuhay.” Maluha-luhang sabi ni April. Hindi nila namalayan na ilang metro nalang pala ang layo nila mula sa kanilang sasakyan. Kaya tumakbo na ang iba dahil sa sobrang galak na umuwi. Alas-otso ng umaga nang sila ay makaalis sa probinsya nila Jenill. Si Wawie naman ang nagmaneho dahil iyon ang usapan nila ni Jenill. “Tita maraming salamat po talaga sa inyo. Kung hindi dahil sa iyo ay kung ano na sigurong nangyari sa amin. Pasensya na kung noong una ay nagduda ako sa iyong kakayahan. Hindi ako naniwala sa mga sinasabi mo dahil sinarado ng siyensya at teknolohiya ang aking isipan. Ngunit ngayon, napatunayan ko na hindi masasagot ng anumang Formula, Equations at Theories ang mga nangyari sa amin lalo na sa akin. Kaya sana po mapatawad niyo ako.” Ani ni Jenill sa seryosong boses. “Amm tita, maraming salamat po sa naitulong niyo sa amin. Binuksan niyo po ang panibagong konsepto na mahirap paniwalaan lalo na ng mga kabataan sa panahon ngayon dahil umusbong na ang agham at teknolohiya. Kami po ang magpapatunay sa mga taong sarado ang isipan sa mga ganitong konsepto. Gagamitin din naming aral ang aming mga natutuhan sa inyo. Mula sa pagsunod sa mga pamahiin hanggang sa paggawa ng simpleng paraan para malunasan naming ang aming mga kasalanan sa mga nilalang na hindi naming nakikita.” Pasasalamat ni Joshua. “Sa umpisa pa lang napabilib mo ako, kahit medyo ang creepy mo tignan at nang mga ginagawa mo. Hindi ko na itatanggi nagduda ako sa iyo at sa iyong ginagawa ngunit nang mapatunayan ko ang iyong kakayahan ay ang duda ay napalitan ng paghanga. Maraming salamat po tita.” Pasasalamat ni Wawie “Sa una palang may kalaaman na ako tungkol sa mga nilalang na hindi nakikita dahil ang pamilya namin ay mapaniwalain sa mga pamahiin. Ngunit hindi koi to sinabi sa inyo sa inyo dahil baka husgahan niyo ako dahil sa panahon natin wala nang naniniwala sa mga pamahiin. Kaya tinago ko nalang. Kaya nagpapasalamat ako sayo tita kung hindi dahil sayo hanggang ngayon sarado pa rin ang utak ng mga ito sa mga ganung usapin.” Pagpapaliwanag ni Owen. “Amm. Tita, hindi nagkamali si Papa na isama ka sa aming lakad kahit ayaw ko talaga dahil lakad naming itong magtotropa. Pero siguro nga talaga isinama ni Bathala sa amin bilang gabay para hindi kami mapahamak. Kaya sobrang salamat dahil hindi mo kami pinabayaan kahit matigas ulo naming. I love you.” Ani ni April. “Sa una ko palang kayong nakita ay napaisip-isip ako na mahihirapan akong makasundo kayo dahil magkaiba tayo nng henerasyon na kinalakihan. Ang henerasyon kasi naming ay mahilig maniwala sa mga pamahiin kahit wala itong sapat na batayan na taliwas sa inyong henerasyon na bawat galaw mo ay nakaangkla batay sa sinasabi ng siyensya at teknolohiya. Maraming salamat din dahil pinagkaloob niyo ang inyong tiwala sa akin at hindi ko kayo nabigo. Nagtanim din ako sa inyo ng iba’t ibang karanasan na magagamit niyo sa inyong buhay. Salamat sa inyong pagsunod sa akin kahit minsan mahirap na itong sundin. Hindi ko kayo makakalimutan, itinuring ko kayong parang aking mga anak sa loob ng ilang araw. Mahal ko kayo.” Pasasalamat ng tita ni April sa kanila. Makalipas ang kanilang pasasalamat sa isa’t isa ay nakatulog na sila sa biyahe. Naiwan nalang si Wawie na gising ang diwa dahil siya ang nakatalaga sa pagmamaneho. Mabilis nilang narating ang bahay nila Jenill. Dito na sila inabutan ng dilim kaya napagdesisyunan nilang ditto na rin magpalipas ng gabi. Huling pagkakataon na rin ito dahil sa mga susunod na araw ay mag-eenroll na sila sa kani-kanilang paaralan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD