CHAPTER 1 - Meet

1322 Words
“Kath! Pasok na dali, kakalabas lang ni sir may nakalimutan raw.” “Salamat.” Tumango ako at mabilis na pumasok sa room. Napakamot naman ako agad ng wala ng bakanteng upuan. “Hay, naku ka teh, alas otso na nga lang klase natin late ka pa rin. Akin na nga 'yang bag mo, kuha kana ng upuan sa labas at baka maabutan ka pa ni sir.” Napairap na lamang ako sa panimulang sermon ni Cyn. “Aga-aga ang dami mong sinasabi,” pabiro kong sagot sa kanya at lumabas na ng classroom para maghanap ng upuan. Wala naman akong mahanap na bakante sa labas kaya naisipan kong makihiram sa ibang classrooms. Sakto namang wala akong makitang prof kaya hindi na ako nahiya pang magsalita lalo na't schoolmates ko lang ang mga 'to at ka same ko na third year college. “Excuse me. P'wede magamit ang isang upuan niyo?” aniya ko sa lalaking nakatayo sa harap ng klase. Tumingin lang ito sa akin na para bang may dumi ako sa mukha. “S-sa k-kabilang room lang classroom ko, isasauli ko agad. S-salamat ah.” Nanatili siya sa pwesto niya at nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko na lang hinintay pa ang sasabihin nito at agad ko ng kinuha ang bakanteng upuan sa harapan. Mabilis na akong naglakad pabalik sa classroom ko pero napahinto naman ako ng mapansin ko ang paglabas nito sa room. Ngumiti ako ng pilit at hinintay na makalapit siya sa akin. Parang may gusto siyang itanong or isabi sa akin at mukhang same kami ng direksyon na pupuntahan. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. “Hi, uhmm... ibabalik ko ang upuan mamaya,” nahihiyang sabi ko. “By the way, nag-o-offer nga pala ako gumawa ng mga assignments at projects, super affordable lang. Baka meron sa mga classmates mo na tinatamad gumawa, pa-refer naman oh,” naiilang kong sabi. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya at nakaramdam ng hiya dahil hindi ito nagsalita at nanatiling lang nakatingin sa akin. “A-ayyy, u-una na ako. Salamat,” pilit na sabi ko at nagpaalam. Mabilis na akong naunang maglakad sa kanya. Nakakahiya pero kailangan ko talaga ng extrang pagkakakitaan sa nga'yon pero grabe naman ang isang iyon, hindi ba siya marunong makaramdam ng awkwardness? “Ang tagal mo teh, pasalamat ka na lang wala pa si sir,” bungad ni Cyn sa akin, napabuntong-hininga na lamang ako. Tinabi ko ang upuan ko sa kanya at sabay upo. “Ano meron at bakit parang takot na takot kayo sa sir na yan ah.” “Naku, kung ako sa'yo sana hindi na ako pumasok pa. Pahirapan na ng buhay nga'yon teh.” “Tama ka d'yan, kaya nga hindi na ako nahiya pa kanina mag-market. Baka ikaw balak mo magpagawa ng assignments, 100 pesos each – aray.” Malakas ang paghampas niya sa akin kaya napadaing ako. “Ano ba–” “Loka ka, ni-assignments at projects mo nga hindi mo magawa tapos nga'yon ginawa mo pang negosyo 'yan. Lakas din ng trip mo ano.” “Abay, malamang gagawa ako kapag may bayad,” sagot ko at hinampas rin siya sa braso sabay naman kaming tumawa. Napatigil naman agad kami ng may pumasok sa room, sabay-sabay naman ang pag-greet nila ng good morning dito habang ako ay napanganga. Ilang beses pa ako kumurap upang masigurong tama ang nakikita ko. Nagtama naman ang tingin namin kaya agad akong umiwas at yumuko. Sana hindi niya ako makilala, hawak ko ng mahigpit ang dalawa kong kamay at sabay pikit. “Do we have a new student here?” rinig kong tanong nito. Gusto kong lumabas at huwag na bumalik sa room na ito. Nasa gitna pa ako ng class nakaupo kaya mas mabilis akong mapansin. Hindi ko naisip na teacher siya rito, hindi naman kasi siya nagmumukhang prof. Hindi ko tuloy alam kong ano ang gagawin ko, oh my god. Pilit ko pa itong kinakausap kanina buti na lang wala akong sinabing masama at ang affordable price pa nga, gusto ko na lang mahimatay sa kinauupuan ko. “Can you please introduce yourself miss?” dagdag na sabi nito. Napatayo ako ng mabilis ng may sinabi pa ito na hindi ko masyadong narinig. “Uhmm..s-sir, I am K-Katherine Perez. A-and I'm so sorry po kanina? Thank you po," mabilis kong sagot at umupo agad sabay yuko. Sinilip ko si Cyn sa tabi ko at may ibubulong sana ako ng bigla siyang sumenyas na bawal makipag-usap. “Bakit nga'yon ka lang Miss Perez? Or should I ask if what makes you still come to my class? You'ved been absent straight for almost 2 weeks in my class.” Napakagat na lang ako sa labi ko at tiningnan si Cyn. Sana naman tulungan niya ako. Now I know kung bakit pati si Cyn takot na takot dito sa bagong prof. Kung p'wede lang sana itakip ang bibig nito ay ginawa ko na. Sobrang chill lang nito magsalita pero ang lamig ng boses. Parang bawat sasabihin niya ay wala akong mabigay na rason o sa madaling salita mas gugustuhin ko na lang manahimik. “You says many things earlier, right? Maybe you want to share something in the class?” Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ito then I'll shake my head. Napansin ko naman ang paghakbang ng mga paa niya papunta sa direksyon ko. “Some stuff l-likes assignments and projects? Hmm.” Tumigil siya sa mismong harapan ko at tiningnan ako. Napakurap lamang ako ng maraming beses. “C-cyn,” bulong ko sa katabi ko rito na mahinang tumitili. Ano bang ginagawa ng isang 'to? “Y-yes?” aniya nito habang hinihintay ang sasabihin ko, ngumiti pa ito ng peke. “U-hmm…obviously I don't have valid a reasons, kaya wala po akong masabi.” Nanatili akong nakaupo habang confident na sinagot ito. “I s-see you lack some respect. Don't get me wrong, I'm not a student. Call me 'Sir' when you're talking to me.” Tumalikod ito pero gano'n pa rin ang tono ng boses nito. Sinadya kong maging sarcastic at para naman hindi na siya puro tanong pero ako pa nga ang nagmukhang masama. “Miss Perez–” “Yes, s-sir?” mabilis na sagot ko. “You may stay outside. I'm not allowing students to still attend my class especially this isn't the first day. 2 weeks absent means drop. Get out, please.” Gulat na gulat ako sa sinabi nito. Napatayo ako ng mabilis sa kinauupuan ko. “S-sir, t-teka. Hindi naman p'wedeng gano'n na lang. Atleast I'm worried about the class kaya nga po nandito ako—” “No more excuses, get out of my class.” Napakuyom ko ang mga kamay ko sabay pigil ng aking inis. Ang sama ng prof na'to, wala man lang makita sa ekspresyon niya kahit konting awa. Napakagat ako sa labi ko at tiningnan ito ng masama habang nakakuyom pa rin ang mga kamay ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Cyn sa braso ko. “K-Kath, labas k-ka na. G-ganyan lang talaga yan si sir,” malungkot na bulong niya. Iniisip ko tuloy kong ma-drop ako sa isang subject na'to madadagdagan ako ng isa pang taon sa college. “Excuse me, Miss Perez. I want to remind you, don't make the same mistakes again. I'm not a student, I am your professor so please show some respect. Get out of my class, please.” Tinuro pa nito ang pintuan palabas at ngumiti. Ibang klase, ramdam ko talaga na nang-iinis ang walang hiyang prof na ito. Pero wala na nga akong nagawa pa, kinuha ko na ang mga gamit ko at lalabas na mga lang ng room. “Wait, your chair?” Nagtaka pa ako sa sarcastic na sabi nito, bago pa ako ulit mag-react ay mabilis ko ng kinuha ang upuan ko palabas. “Meet me at my office after this class.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD