CHAPTER 35 ROSE POV: Ayoko sanang iwanan si Jack dito sa mansion dahil baka kung ano pang gawin sa kanya ni Alfred. Wala akong katiwa-tiwala sa taong 'yon dahil alam ko na ang pag-uugali niya. Meron siyang masamang balak sa katawan ko at matagal niya na itong pinagnanasaan. Sa pananatili ko sa katawan ni Mr. Jack Fuentez, naamoy ko na kaagad at nahuli ang tunay na pag-uugali ng pamilya niya. Kaya kahit papaano ay masasabi kong mas okay pa rin si Jack. Dahil yung Jack na nakilala ko ay talagang totoo na sa sarili. Hindi siya nagpapakitang-tao. At kung ano man ang nakikita ko sa kanya, ay merong malalim na rason ito. So I stop judging him. Instead, pinili kong intindihin si Jack lalo na't ngayon na konektado na kaming dalawa sa isat-isa. Ang inaalala ko lang sa mga oras na ito ay ang ka

