CHAPTER 28 ROSE's POV: "OH ANONG NGITI 'YAN?" tanong ko kay Mr. Fuentez nang bumalik siya sa kwarto habang nakangiti na tila may pinaplano na naman siya. Kakagising ko lang ngayon at nagtataka ako kung bakit sa pag-gising ko ay meron na akong kumot. And I'm sure na si Mr. Jack ang siyang naglagay ng kumot sa katawan ko para hindi ako ginawin. Kahit papaano pala ay meron siyang malambot na puso na tinataglay. Kaya lang yung ngiti niya ngayon ay hindi ako kumbinsido. Parang nadedemonyo na naman ang lalaking ito. "Kulang ka yata sa tulog, Mr. Fuentez... Bigla-bigla ka na lang ngumingiti na wala namang kausap," I said again. Umagang-umaga kasi ay parang nawawala siya sa kanyang sarili... Kung sabagay, wala nga pala siya sa kanyang katawan kaya hindi na ako magtataka na yung utak na gina