CHAPTER 51 JACK's POV: "Oh uminom ka muna ng malamig na tubig. Masyado kang highblood kanina," saad ni Rose nang abutan ako ng mineral water na siyang malamig nga. Nasa kwarto na kami at kasalukuyan na binuksan ni Rose ang T.V at pinindot ito sa channel na comedy para mabawas-bawasan ang init ng aking ulo. Ginagawa niya talaga ang lahat para lang makalimutan ang sagutan namin ni papa kanina. Ngayon ko lang napagtanto na masyado ngang personalan ang naging sagot ko at tila nakalimutan kong nasa katawan ako ni Rose. "Pambihira ka kanina. Nakaka-proud dahil tinulungan mo akong makuha ang hustisya na nararapat sa akin. Pero ibang klase ang naging kapalit ha? Para akong isang abogado na pinaglalaban ka," saad nito nang tumabi siya sa pwesto ko. Uminom naman ako ng tubig at marahan kong in

