CHAPTER 1
JACK's POV:
"I'm going to introduce to all of you the new CEO of the Company, my son, Jack Fuentez," sambit ng aking ama habang pinapakilala ako sa mga tao sa kompanya na pagmamay-ari niya mismo.
Hindi na siya makalagaw nang maayos dahil sa kanyang nararamdaman kaya nakaupo lamang siya sa wheelchair. May edad na si papa kaya wala siyang choice kundi ang ipaubaya sa akin ang kompanya kahit na alam kong hindi pa siya kumbinsido na magagampanan ko ng tama ang pagiging CEO. Pero hindi ko na ito tinanggihan pa dahil matagal ko na rin itong binabalak na makuha. Sa tanan ng aking buhay ay ngayon ko lang narinig kay papa ang salitang anak at ipagmalaki ako sa mga tao.
Alam kong wala na siyang choice dahil hindi niya na kaya pa ang maging CEO sapagkat nanghihina na ang katawan niya. Kaya kahit hindi pa buo ang tiwala nito ay binigyan niya ako ng posisyon sa kompanya na kanyang pagmamay-ari.
Nagpalakpakan naman ang mga tao habang naglalakad ako pagitna. Nakaukit naman ang malawak kong ngiti sa aking labi dahil pakiramdam ko, ito na ang simula ng aking tagumpay.
Hindi sana sa ganitong paraan ang gusto ko. I have my reason kung bakit puno nang hinanakit at poot ang dibdib ko.
Hindi naman ako magiging ganitong tao kung hindi naging mapait ang nakaraan ko. Pero sa ngayon ay hindi ko muna ito ibabahagi sa inyo. Malalaman niyo rin ang lahat kung bakit may masama akong pag-uugali.
Lahat naman ng tao ay merong bad sides. Depende nga lang ito sa mga pinagdaraanan.
"Thank you papa," mahinang bigkas ko rito.
Napipilitan lamang ako na maging mabuti sa harapan niya dahil meron akong kailangan sa kanya. Pero kapag nakuha at natupad ko na ang plano ko sa buhay ay ipapamukha ko sa kanya na maling anak ang kinampihan niya noon pa man.
Bago ako humarap sa mga taong nagtatrabaho sa kanyang kompanya ay tiningnan ko si Alfred. Ang kapatid ko sa labas na paboritong anak ni papa. He's also here. Pero syempre nandito siya para saksihan kung paano ako makihalubilo sa mga tao.
That's why I painted my smile to everyone, just to prove to him na kaya ko ring makipagplastikan sa lahat.
"I'm glad to meet you... Salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa akin. Hindi ko sasayangin ang posisyon na binigay ni papa, lalo na yung tiwala niya. Katulad ni papa, papatakbuhin ko ang kompanya nang maayos." Nakangiting saad ko sa kanilang lahat. Pagpapangako ang siyang sinasambit ko para matuwa si papa at hindi niya iisipin na may iba akong plano para sa sarili ko.
Sa pagkakataong ito, magandang pakikitungo muna ang ipapakita ko sa mga tao. Hindi ko muna ipapakita sa kanila ang maitim kong pag-uugali dahil nandito si papa at hindi pa siya pumipirma.
Pero sa oras na ako na ang humawak ng kompanya at magsimula na bilang CEO, sisiguraduhin ko na magiging strikto ako sa kanilang kilos. Hindi ko hahayaan na magkamali sila sa trabahong ibibigay ko.
"Congrats Mr. Jack Fuentez, masaya ako dahil ikaw na ang bagong CEO. Natitiyak kong iidolohin ka ng mga nagtatrabaho dito. Baka nga ma-inspired pa ang mga dalaga na pumasok araw-araw at maging masipag sila dahil ang isang tulad mo ang siyang mamumuno. Kilala mo naman ang mga kababaihan, basta gwapo ang lalaki ay hindi sila makapagpigil ng kilig," sambit ng isang ka-sosyo ni papa na siyang nakipag-partner sa kompanya namin.
Ngumiti na lamang ako. Hindi na bago sa akin ang purihin ang aking kagwapuhan. Masasabi ko na isa ito sa aking asset na kinaiinisan ni Alfred dahil lamang na lamang ako pagdating sa itsura.
Pero yung sinasabi nitong mga babae ay wala akong pakialam. Wala akong panahon at oras sa babae.
"Thank you... Sana nga ay maging maganda ang takbo ng Kompanya kapag umupo na ako," wika ko rito na hindi pa rin mawala ang pag-ngiti.
"Of course, it will happen Mr. Fuentez. Napag-usapan nga pala namin ng papa mo na kukuha kami ng new model for the face of the brand na ila-launch sa susunod na linggo. Baka meron kang kakilala na babae na pwede mong irecommend?" saad pa nito na tila hinanapan pa akong model.
Bahagya tuloy akong napatawa sapagkat wala nga akong oras sa mga babae. Ni wala pa akong nai-kakama na babae kaya nga't ang akala ni Alfred ay isa akong bading dahil wala pa akong naigagalaw.
Hindi ko kasi hilig ang gumalaw ng babae na hindi ko naman gusto. And I never know how to be in love.
"Wala akong kakilala. Maybe my dad have a suggestion for it. Siya na lamang ang tatanungin ko mamaya," ani ko na lamang para tapusin ang usapan namin.
Tumango na siya bilang tugon kaya tumalikod na ako sa kanya upang kausapin ang ibang tao.
In this day, pagcecelebrate ang siyang naganap sa loob ng kompanya. Masaya nila akong wini-welcome. Kanya-kanyang pagcocongratulate ang narinig ko mula sa labi ng mga empleyado. Hindi tuloy maalis-alis ang ngiti sa aking mukha dahil nakikita ng mata ko ang isang lalaki na halos ay umuusok na sa galit. Ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Alfred na hindi maipinta ang kanyang reaksyon.
He's one of the reason why I grab this opportunity to be a CEO. Galit ako sa kanya. At ang galit kong 'yon ay kailanman ay hindi mawawala. Bagkus, sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay lalong nadadagdagan ang galit ko rito.
"Hindi mo man lang ba sasabihin ang salitang congratulations, my dear brother?" ani ko sa binata nang lapitan ko siya. Ako na mismo ang kusang tumungo sa gawi niya para sana pikunin ito. Alam kong kanina pa siya nagpipigil ng inggit dahil hindi niya matanggap na ako ang pinili ni papa para sa negosyo.
Sa oras na ito, halatang sasabog na siya sa inis pero pinipigilan niya lang dahil nandito si papa at maraming tao ang nasa paligid. Hindi niya kayang ipakita ang totoong pag-uugali niya dahil gusto niya ay siya ang maging mabait sa mata ng lahat.
Si Alfred, magaling siya pagdating sa pakikipagplastikan kaya nga nakuha niya ang simpatya ni papa sa tuwing merong pag-aaway na nangyayari sa pagitan naming dalawa.
Sa halip na ako ang kampihan ni papa ay pinipili nitong kampihan ang bastardo niyang anak at sa huli, ako ang lumalabas na masama.
Kaya kung kaya niya na makipagplastikan ay alam kong makakaya ko rin ito. Pero ako, magiging plastik ako sa matalinong pamamaraan na alam kong hindi niya kayang magaya dahil isa siyang bobong nilalang.
"Isang insulto para sa akin kung sasabihin ko 'yan, Jack... Alam natin pareho kung bakit ikaw ang pinili ni papa na magpatakbo ng negosyong ito. Pero hindi ibig sabihin no'n ay kaya mo na akong patalsikin. Isa pa rin akong Fuentez, Jack... Baka nga, ginagamit ka lang ni papa dahil alam niyang mabilis kang mauto. At kapag nagamit ka na niya, sa akin pa rin ang bagsak ng kayamanan," wika niya upang ipaalala sa akin kung gaano siya ka-paborito ni papa.
Pero hindi ako nagpatinag bagkus ay pinaalala ko rin kung anong lamang ko sa kanya.
"Marahil ikaw ang paborito ni papa. Kaso anong magagawa mo? Isa kang bobong anak niya na walang alam pagdating sa pagnenegosyo... Yung katalinuhan ko at pagiging wais, ay hinding-hindi mo mapapantayan... Kaya kung ako sa'yo, magbalot-balot ka na, dahil simula na ito ng bangungot mo. At yung sinasabi mong mabilis akong mauto, sa tingin mo ba ay mauuto niya pa ako kung lahat ng makukuha kong pera sa negosyo ay mapupunta mismo sa bangko... Always remember, that I have this brain. Pautakan lang 'yan," bulong na saad ko sa tenga niya.
Nasisiyahan lalo ang aking damdamin sa tuwing nakikita kong nagagalit nang husto ang kanyang mata. Parang nasasatisfied ang dibdib ko sa galit na nararamdaman ni Alfred.
Umalis na ako sa harapan nito at muli kong pinuntahan ang mga tao na parte ng kompanya para ipagpatuloy ang celebration.
Bukas na bukas din ay ako na ang magkokontrol ng kompanya ni papa. Hawak ko na sa leeg ang mga empleyado rito. Kaya magagawa ko ng gawin ang gusto ko.
"Pagbutihin mo ang pagpapatakbo ng kompanya, Jack... Huwag na huwag mo akong bibiguin... Instead, make me proud," usal ni papa sa akin.
"Of course papa... Hinding-hindi ko talaga sasayangin ang tiwala niyo. This is the first time na binigyan niyo ako ng pagkakataon na ipamalas ang galing ko sa pagnenegosyo," ani ko na rin kasabay nang pag-iinom ko ng wine.
Pero sa totoo lang, hindi ko ito gagawin para sa kanya. Gagawin ko ito para sa sarili ko at para kay mama.
So after the celebration, bumalik na kami sa mansion. Dito na nagawang ilabas ni Alfred ang sama ng kanyang loob kay papa. Pagalit nitong binabalibog ang suot niyang tuxedo na kaagad ding nahalata papa ang kilos nito.
"Papa, hindi na ba talaga magbabago ang isip niyo?" inis niyang turan sa matanda.
Nilabas niya na ngayon ang tunay na pag-uugali na tila napag-isipan niya yung aking sinabing pagbabanta.
Yung pagbabanta na 'yon ay talaga namang gagawin kong totoo.
Hindi muna ako umimik dahil minabuti kong makinig sa kanilang pag-uusap. Masaya akong nakikita silang nag-aaway nang dahil sa akin.
"Si Jack ang may alam sa negosyo Alfred... Kilala mo ang sarili mo diba? Alam mong hindi mo kayang gampanan ang pagiging CEO," bigkas ni papa sa binata para diretsahin ito at nang matahimik na. But still, hindi kayang tanggapin ni Alfred ang desisyon na ginawa ng aming ama.
"Nagkakamali kayo papa. Kaya ko rin na maging CEO. Napag-aaralan naman 'yon. Kung sana binigyan niyo ako ng konting panahon na pag-aralan ang negosyo ay sana ako na ang CEO. Pero masyado kayong nagmadali at nagpadalos-dalos," madiin niyang sabi.
"May dinaramdam akong sakit anak. Hindi na pwedeng patagalin pa ang lahat. Kailangan na merong tumayong CEO sa kompanya ko habang hindi pa bumabalik ang lakas ko... Sana naman ay maintindihan mo iyon," sambit ni papa upang ipaunawa sa anak niya sa labas kung gaano kaimportante ang negosyo para sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa ni papa na magpaliwanag sa lalaking 'yan. Ganyan niya yata kamahal si Alfred kaysa sa akin na totoo niyang anak.
Kung sabagay, hindi na 'yon nakakapagtaka sa isang sipsip na anak.
"I still don't get your point papa... Hindi ang katulad ni Jack ang pwedeng tumayo na CEO," muli nitong singhal.
"Talagang maliit ang kokote mo para hindi maintindihan ang sinabi ni papa... Alam mo, kung wala kang sasabihin na maganda tungkol sa akin, bakit hindi mo ayusin ang sarili mo? Mag-aral kang business, baka sakaling mailipat ni papa ang posisyon na binigay niya sa akin," pagtuturan ko sa lalaki.
Sumingit na rin ako sa usapan dahil hindi ko hahayaan na maliitin na lamang ako ng taong ito. Hindi rin ang katulad niya ang pwedeng tumapak-tapak sa pagkatao ko.
Marami pa siyang kakainin na bigas bago niya ako masira nang tuluyan. Pero hindi na ako papayag pa. Hindi na ako papayag na siya lagi ang maging bida sa mata ni papa.
Kailangan na ako rin ang tumatak sa isipan ni papa bilang magaling na anak.
Hindi ko na hahayaan pang si Alfred ang bumango sa pang-amoy niya. Kailangan ko siyang higitan para maiparamdam ko sa kanya na walang-wala siya kumpara sa akin.