CHAPTER 40 ROSE POV: It's another day. Matapos mangyari ang pagtatalo sa pagitan naming dalawa ni Mr. Jack ay nagkaayos din naman kami. Wala naman kasing magagawa kung aawayin ko pa siya. Besides, alam ko sa sarili ko na nagkamali din ako noon. Naranasan ko ang kahihiyan na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ito. Hindi ko makalimutan ang kahihiyan na aking ginawa na halos ay gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. Binabaon ko na nga ito sa limot pero dahil sa kwento ni Jack na muntikan niya ng maka-one night stand ang babae ay parang kinabahan ako. Feeling ko, ako ang kanyang tinutukoy. Pero feeling ko lang naman. Dahil maging ako ay hindi naniniwala na siya yung lalaking napuntahan ko sa hotel. Nagkamali akong room na pinasukan dahil ang buong akala ko ay hotel room iyon ng akin

