Continuation of Chapter 46 Jack's POV: PINAGLUTUAN ko nga si Ms. Santilla. Ibang klase ang epekto sa akin ng pagdidilig na ginawa niya. Para bang naging mabait akong tao at nawala ang inis sa dibdib ko. Pareho namin first time ni Ms. Santilla na makipag-make love. Kaya nakakataba at nakakalambot sa pakiramdam na kaming dalawa ang naka-una sa bawat isa. Pareho naming pinagkatiwala ang katawan namin na hindi man lang nag-alinlangan na ibigay ito. Yung pangunguna kong halik kay Rose ang siyang hudyat para umabot kami sa ganito. At sa totoo lang, wala akong pinagsisihan. After cooking ay inihanda ko na ito sa maliit na lamesa. Ang gusto kong mangyari ay doon siya sa mismong kama na kumain. Alam ko naman kasi na napagod ko masyado si Ms. Santilla. Kaya balak kong ibalik ang lakas niyan

