CHAPTER 11 (IBANG KASARIAN SA KATAWAN NI JACK)

1029 Words
CHAPTER 11 JACK POV: Nagising ako dahil sa isang babae na siyang tumambad sa aking pagmumukha. She's checking me if I'm okay or not. At dahil hindi ako sanay na may babaeng tumitingin sa akin ay kaagad kong tinapik ang kanyang kamay na nagbabadyang hawakan ang noo ko. This woman is too young. Siguro ilang taon ang pagitan ko sa kanya. And I don't even know her. Ngayon ko lang siya nakita at ngayon lang din ako nanibago sa aking hinihigaan. Hindi masyadong malambot ang kamang hinihigaan ko. Isama mo pa na hindi ko gusto ang amoy ng kwarto. Masyadong pangbabae ang amoy na hindi tipo ng ilong ko. Teka, wala ako sa pamamahay namin? Nang marealized ko ang katanungan sa aking isipan ay inilinga ko ang aking paningin. At doon ko mismo napagtanto na nasa ibang bahay nga ako. Kaya pala ganito na lamang ang paninibago ng aking ilong dahil nasa munting bahay ako na hindi ko naman kilala kung kanino ito. "Sino ka ba? At bakit ako nandito? Ano bang nangyari?" inis na turan ko sa dalaginding na babae. Nanliit naman ang mata niya kaakibat nito ay bigla niya akong binatukan na akala mo ay close kaming dalawa. "Ate, naka-hithit ka ba ng droga? Nakapasok ka lang sa sikat na kompanya, tinatakwil mo na agad ang pinanggalingan mo... Ayos ka rin teh ha?" usal niya dahilan para magtaka ako kung bakit niya ako tinawag na ate. "Fuck... Ano bang pinagsasabi mo? Do I know you? And how do you know me?" muli kong singhal sa dalaga. "Naks si ate. Englishera ng taon. Alam kong dati kang call center ate, pero model ka na ngayon kaya huwag mo na ang ini-englishan dahil kanina pa ako walang tulog sa kakabantay sa'yo," saad niya na lalong nagpagulo sa isipan ko. Nasa baliw yata akong pamamahay kaya ganito na lamang sila kung makitungo sa akin. As far as I remembered last night, tinamaan kami ng kidlat ni Rose Santilla dahilan para mapahiga kami sa kalsada. At ngayon na nagising na ako ay nasa iba na akong pamamahay at hindi ko rin kilala ang mga kasama ko. "Wala ka man lang ba na sasabihin ate? Ni goodmorning? Ni thank you gano'n? May kasalanan ka na nga sa amin ni Inay, masyado mo kaming pinag-alala kagabi," wika niya muli na hindi pa rin ito nagpaawat sa pagsasalita. Hindi ko malaman at matukoy kung bakit paulit-ulit niyang sinasambit ang salitang ate na hindi naman ako babae. I am a boy. May abs nga ako at matikas ang pangangatawan ko tapos tatawagin niya lang ako na ate? Tsk. Sa takbo ng isip ko ay kaagad kong kinapa ang aking dibdib dahilan para maramdaman ko na may isang bagay ang siyang nagpapahirap sa akin sa paghinga. Parang hindi ako sanay sa bagay na ito kaya agad kong inalis ito. Laking gulat ko naman nang makita kong bra ang siyang nakuha ko mismo na tumatakip sa aking hinaharap. "F*ck it! What's the meaning of this?!" malutong na mura. Hindi maipinta ang akong mukha dahil hindi ko nagustuhan ang aking nasaksihan. Bakit ba ako nakasuot ng bra? Hindi ko naman kailangan ito. "Ate! Ang sagwa mo tingnan! Talagang pinapakita mo sa akin ang dede mo ha? Oo na, alam kong pinagpala ka d'yan. Pero huwag mo naman sana ako painggitin," singhal niya. And this time ay napatitig ako sa dede na tinutukoy ng babae kung saan ay nakaturo siya sa aking hinaharap. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil kitang-kita ko na may dalawang bundok nga ako at may pink na u***g. Ngayon lang ako nakakita nang ganitong katawan ng babae na mismong nasa katawan ko na. Sa sobrang pagkataranta ko ay kaagad akong tumayo para tumungo sa C.R. Pero hindi ko alam kung saan dito ang kanilang C.R. "Where's the C.R?" tanong ko sa dalaga habang nakatakip ang aking kamay sa dede ko. Napapakamot naman ang babae sa inaasta ko na animo'y maging siya ay naguguluhan. "Teh, ayos ka lang ba talaga? May amnesia ka yata. Pati C.R natin hindi mo na alam kung saan nakapwesto, nasa baba po," turan niya na hindi na ako sumagot pa. Nalilito na rin ako sa sarili ko. Kung bakit ganito ang nangyari sa katawan ko. Tinubuan ako ng dalawang malalaking pakwan na hindi ko alam kung paano at kailan ito nangyari. Nang makarating ako sa C.R ay agad kong kinapa ang ibabang parte ng aking katawan. Ramdam ko na hindi na ito mahaba at matigas na kawayan dahil merong hiwa ang aking ari na sumisimbolo na yung katawan ko ay nasa pangbabae. "Damn it! Bakit napalitan ng mani ang hotdog ko?!" pagmumura ko sa malutong na salita. Nang makakita ako ng salamin ay kaagad kong tiningnan ang aking itsura. Laking gulat ko naman dahil yung kaluluwa ko ay nasa katawan mismo ni Ms. Rose Santilla, ang babaeng model sa Kompanya ko. Kaya pala ganito na lamang kung makipag-usap ang dalaginding sa itaas ay dahil yung panglabas kong anyo ay mukha ni Rose. Kung hindi ako magkakamali, nasa pamilya yata ako ng babae. "No it can't be... I have a meeting today. Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit sa ganitong paraan pa?" kausap ko sa harapan ng salamin. Hindi ko matanggap na napunta ang kaluluwa ko sa katawan ng babae. Wala pa naman akong alam pagdating sa ganito. At higit sa lahat, importanteng meeting ang aattendan ko sa Canada. Kung nakarating ako sa katawan ni Rose, ibig sabihin ay yung kaluluwa ni Rose ay napunta sa rin sa katawan ko. Pero bakit nangyayari ito sa amin? Wala pa rin akong naiisip na dahilan. Kinulam yata kami o baka naman isinumpa. "Ate? Yuhoo! Kanina ka pa dyan nagsasalita. Okay ka lang ba? Kais kung hindi ka pa okay, dadalhin ka ulit namin sa hospital ni Inay para tingnan kung kumusta ang lagay mo," wika ng dalaginding na kapatid ni Rose. Paano ko ba kakausapin sila gayo'n na hindi ko sila kilala. Ni pagkatao at pangalan nila ay wala akong ideya. "Hayy.. Mukhang hindi na yata Doctor ang kailangan ni ate nay. Baka albularyo na ang makakagamot sa kanya." Rinig kong saad ng babae na tila pinag-iisipan nila kung saan ako dadalhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD