TULOG pa ang diwa ni Roxie nang mayroong mag-doorbell sa kanyang unit. Day off niya ngayon at wala siyang inaasahang bisita kaya naman hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo bago niya binuksan ang pinto.
Nang bumungad sa kanya ang isang delivery boy ay lalo lamang nagsalubong ang mga kilay ni Roxie nang makita ang napakalaking bouquet ng tulips.
"Miss Roxie Cornejo?" tanong ng delivery boy.
She opened the door a little wider. "Ako nga po."
"Delivery po, Ma'am. Pakipirmahan na lang po dito," sagot ng lalake saka ibinigay sa kanya ang ballpen at pinapirma ang delivery form.
Roxie became more puzzled. "Kanino galing 'to?"
The delivery guy checked the list. "Galing po kay Mr. Zeus Alkaide."
Nakaramdam ng kilig sa kanyang sistema si Roxie. She thought Zeus is everything but a romantic, straight out of fiction books kind of guy. Ngunit heto ito ngayon, nagpadala ng malaking bungkos ng paborito niyang bulaklak. Paano kaya nito nalamang gusto niya ang tulips?
"Sige, kuya salamat," aniya habang pigil ang pagngisi. Mahirap na at baka iparating nito kay Zeus na kilig na kilig siya.
Nang makaalis ang lalake ay isinara ni Roxie ang pinto saka siya umupo sa sofa upang tignan ang card na nakaipit sa bouquet. It wasn't the first time that she had received flowers. Pero ewan ba niya kung bakit iba ang dating ngayong si Zeus ang nagbigay.
Mukhang may kinikilingan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan!
Roxie sniffed the flowers first before she opened the small envelope. She didn't know why but she felt a different kind of warmth after she read the simple message from Zeus. 'Can't wait to see you' lang naman ang nakasulat doon ngunit ewan ba niya kung bakit parang may orangutan na biglang nagwala sa loob ng rib cage niya.
Roxie took a selfie with the flowers then sent the photo to Zeus along with a simple 'thanks'. Nang maipadala ang larawan ay doon lamang siya nagtungo sa kusina upang maghanda ng sariling almusal.
Napakaganda ng mood niya. May pakanta-kanta pang nalalaman habang piniprito ang hotdog. Her mind even had the audacity to think dirty thoughts! Malaki naman sa sukat ng hotdog ang kargada ni Zeus pero ang utak niya, talagang humaharot at nai-imagine iyon!
She sighed while holding a hotdog. "Sa susunod, hindi na ako bibili ng chicken flavor," she murmured to herself.
Napaismid siya sa nasabi sa sarili. Ibinalik niya ang hotdog sa plato saka siya naghanda ng kape.
Her phone beeped after a few minutes while she's having her morning coffee. She put her cup down to pick up her phone. Excited pa siyang buksan ang chat nang makitang galing iyon kay Zeus, ngunit nang mabasa ang sinabi nitoay bigla na lamang nasira ang mood ni Roxie.
Zeus Alkaide: I'm sorry but I won't make it today.
Napairap siya sa kawalan saka siya marahas na nagpakawala ng buntong hininga. "Mga lalake nga naman."
Bigla niyang naalala ang tatay nilang puro pangako noon. Tuwing birthday nila ng ate Rita niya ay nangangako itong pupunta para kumpleto silang pamilya ngunit kapag araw na mismo ng selebrasyon, isang sabi lamang ng asawa nitong huwag itong tutuloy ay hindi na nagpupunta.
She developed her fear of cheating men because of her own dad. Nakita niya kung papaanong nagpakamartir ang nanay nila. Araw-araw itong naghihintay na piliin ng kanilang ama kahit na alam na nitong mayroon itong legal na asawa.
Yes, she is a product of a forbidden affair. But they only found out about them being the other family when she was twelve. Enrollment iyon sa highschool at nakapasa siya sa isang pribadong eskwelahan sa lugar nila.
Excited siyang pumila para sa enrollment ngunit nang makita ang tatay niyang may kasamang batang babaeng kaedaran niya't tinawag itong "daddy", parang gumuho ang mundo ni Roxie.
She came home crying. Sinumbong niya sa nanay niya iyon. She thought her mom would break up with their father after what they found out. Pero ano ang ginawa ng kanilang ina? Pumayag itong maging kabit kahit ang ganda-ganda nito at matalino.
Nagpakamartir sa isang lalakeng hindi nakuntento sa isa. Natutong magbisyo para maibsan ang sakit na nararamdaman. Kumapit sa pagmamahal na wala nang ibang ibinigay kun'di sama ng loob.
Katwiran nito noon ay ayaw nitong mawalan sila ng ama sa kanilang buhay. But Roxie thinks it wasn't the real reason why their mother held on.
Their mother was selfish. Instead of setting an example to her and Rita, ipinakita pa nitong dapat ang babae ay ginagago kasi kaya namang magtiis basta buo ang pamilya.
That's the thing. Roxie couldn't even consider them whole, kasi wala naman palagi sa tabi nila ang tatay nila. Nasa legal itong asawa, at kahit gusto nilang magalit, hindi pwede dahil anak lang sila sa labas.
Naalala niya kung paano nilang iniyakan ang nanay nila noong nalaglag ito sa hagdan dala ng labis na kalasingan. Anniversary raw iyon ng mga magulang nila at naghanda ang nanay nila pero hindi sumipot ang kanilang ama. Tinapon ng nanay nila lahat ng handa saka ito nagpakalasing sa kwarto. Nang maisipang puntahan ang tatay nila ay nahulog sa hagdan.
They rushed their mother to the hospital then begged their dad to visit her but their dad said he's with his family, having a trip somewhere in Cebu. Huwag daw muna nila itong kulitin dahil baka mahuli ng asawa.
Halos murahin ito ni Roxie sa tindi ng sama ng loob niya. Magmula nang araw na iyon ay hindi na niya muli pang kinibo ang ama.
Roxie sipped on her coffee to calm herself after she remembered how their father asked her to not enroll in the same school where his legal daughter will go. It was a painful memory. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya tuwing naaalala kung gaano kababa ang naging tingin niya sa sarili noong araw na iyon.
Zeus' chat hit her nerve. Yes, she likes him a lot but last minute cancellation of plans is a big no no for Roxie. It reminded her of how their dad cancelled his plans to attend their birthdays on the same day of the celebration.
Nagtipa na lamang siya ng reply rito habang hawak ang cup, sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili.
Roxie Cornejo: It's fine. I can just call my guy friend. He wanted to come anyway dahil gusto niya akong yayain ng date mamayang gabi. Have a great day, Mr. Alkaide.
It didn't take long before Zeus replied, and when Roxie saw his chat, she couldn't help but grin as if she just won a difficult lawsuit.
Zeus Alkaide: on my way to pick you up, Roxie. You can now tell him to get lost.
Roxie smirked. If she needs to show Zeus what he's going to lose then she will. Hindi niya ito hahabul-habulin na gaya ng ginawa ng nanay niya sa tatay niya.
She will never be a martyr for love. Kahit kailan ay hinding-hindi niya ipipilit ang sarili sa lalakeng hindi siya kayang mahalin nang buo at tapat.
Roxie didn't respond anymore to Zeus' message. Maya-maya ay tuluyan nang nag-ring ang kanyang phone dahil sa tawag nito.
She waited a little more before she picked it up. At nang masagot ay inunahan kaagad siya ni Zeus sa pagsasalita.
"I'm cancelling my plans. Just do not invite him," seryoso nitong sabi.
Napaismid siya. "I thought you're busy?"
"Not anymore," he said under his breath. "Will never be busy again if it's for you . . ."