Pagkaparada pa lamang ng sasakyan ni Zeus sa harap ng bahay nina Roxie ay halos manlumo na ang dalaga. She's expecting a better-looking house with two floors. Ngunit nang makita ang bahay ay nanikip lamang ang dibdib niya.
She immediately removed her seatbelt and went out. Nanghingi ang ate niya ng dagdag na pera noong nakaraan lang dahil kulang daw ang pambili ng materyales para sa ipinaaayos na bahay kaya hindi sana siya uuwi, ngunit ni isa ay wala namang nabago.
"Ma! Nandiyan si Tita Rox!" sigaw ng pamangkin niyang si Totoy bago lumapit sa kanya upang magmano.
Lumunok si Roxie saka tumingin sa lumapit sa kanyang si Zeus. "T-Totoy, si Zeus. B-Boyfriend ko," aniya gaya ng napagkasunduan nila ni Zeus.
Totoy scanned Zeus from head to toe. Akmang may sasabihin ang pamangkin niya nang lumabas ng bahay ang ate niya kasama ang hindi niya kilalang lalake.
"Oh? Akala ko ba hindi ka uuwi?" bungad ng ate niya bago halos ipagtulakan ang lalakeng kasama para umalis.
She swallowed. "N-Nakahiram ako ng extrang pera s-saka kasama ko si Zeus." She looked at their house. "Ate, sabi mo inaayos na ang taas? Eh, bakit parang wala namang nagbago?"
Tila nahihiya sa mga kapitbahay na hinatak siya ng ate niya papasok. Nang makita ang nanay nilang nakahiga sa rocking chair ay parang lalong nag-init ang ulo ni Roxie.
"Nasaan na 'yong reclining chair ni Mama? Ang mahal ng bili ko ro'n, bakit hindi ginagamit?" tanong niya.
"Nasira. Ipinagawa ko pa lang," sagot ni Rita sa kanya.
"Saan?"
"Basta. Ano ba, Roxie? Hindi ka nagsabing darating ka tapos bubungaran mo ako ng ganyan?" naiirita nitong tanong.
Humugot ng malalim na hininga si Roxie. "Ate, nasaan ang reclining chair ni Mama?"
"Binenta ni Mama, tita," sabat ni Totoy dahilan upang titigan ito ni Rita nang masama.
"Ano?" Umakyat yata ang lahat ng dugo ni Roxie sa kanyang ulo. "Bakit mo binenta, ate?"
"Eh, sa kulang ang binigay mo!"
She scoffed. Nawala na sa isip na naroroon si Zeus sa may pinto at nanonood lamang. "Kulang? Diyos ko, ate Rita! Halos sobra-sobra na ang ipinapadala ko para sa gamot ni Mama at mga bayarin! Iyong pampagawa ng bahay? Nasaan? Wala naman yatang napuntahan, ate!"
"Iyon na nga, eh! Bakit kay Mama lang? Paano ako at si Totoy? Kapag may kailangan lang ba sa eskwelahan mo bibigyan ang bata? Saka huwag mo kong makwestyon diyan sa pampagawa ng bahay dahil kung hindi kulang ang ipinapadala mo, hindi naman iyon magagalaw!"
Naikuyom na ni Roxie ang mga kamao niya sa sobrang galit. "Bakit ba pati kayo ni Totoy responsibilidad ko, ate? Hindi ba pwedeng magkusa ka naman na maghanap ng pagkakakitaan mo? Kaya mo naman, eh. Hindi sa ayaw kitang tulungan, ate pero bakit naman ganyan? Bakit parang ginawa mo nang responsibilidad ko iyong dapat ay tulong lang?"
"Ayan! Diyan ka magaling, Roxie! Sa panunumbat! Akala mo kung sino ka? Porke't maganda lang ang trabaho mo kung makapang-sino ka na?!"
Namuo na ang luha sa mga mata ni Roxie dala ng labis na galit. "Hindi kita sinisino, ate Rita. At lalong hindi kita sinusumbatan. Ipinapaalala ko lang sa'yo na kaya mo naman maghanap ng pagkakakitaan imbes na ako na lang lahat. Saka bakit ba parang kasalanan kong may maayos akong trabaho? Pinaghirapan ko naman makarating sa kung nasaan ako ngayon. Bakit parang naging masama pa ako dahil lang pinili kong magtino at naising maging maayos ang kabuhayan ko?" She sniffed. "Iyan kasi ang problema sa'yo, ate Rita. Ikaw ang pumili na mabuntis nang maaga, tumigil ssa pag-aaral, at hindi na sumubok na magkaroon ka ng maayos na buhay, pero 'yang resulta ng choices mo, sa iba mo isisisi."
Dinuro-duro na siya nang tuluyan ni Rita. "Ikaw, huwag mo kong napagsasalitaan nang ganyan, ha! Hindi porke't ikaw 'tong may pera wala ka nang respeto sa'kin! Ito ang isaksak mo sa kokote mo! Kung hindi ako naka-stuck dito sa bahay para alagaan si Mama, hindi ako aasa sa'yo kahit isaksak mo pa sa baga mo 'yang pera mo!"
"Sumusobra ka na, 'te kaya ako nakakapagsalita nang ganito! Saka ilang beses na akong kumuha ng mag-aalaga kay Mama pero pinapalayas mo dahil gusto mong makuha 'yong bayad no'ng tao tapos ngayon isusumbat mo sa'kin 'yan?!"
Muntik na siyang sapukin ng kapatid kung hindi lamang lumapit si Zeus upang protektahan siya. He wrapped his arms around her as if he will never let anyone hurt her as long as he's there.
"Ma, ano ka ba? Tama na!" suway ni Totoy sa ina. Tumingin naman si Zeus kay Roxie, tila sinasabing umalis na muna sila.
Roxie sniffed then nodded. Hinayaan niyang isama siya ni Zeus paalis. He guided her inside the car while their entire neighborhood was watching as if they're in some kind of a f****d up movie.
Naghanap si Zeus ng resort na pwede nilang tuluyan. Nang makakita sa sumunod na bayan ay ito na rin ang nagdesisyong mag-check in sila roon.
"Let's go, Roxie. You need some rest," ani Zeus matapos nitong makuha ang room key.
Roxie kept her head low until they got inside the room. Nang maisara ang pinto ay iginiya siya ni Zeus palapit sa single-seater. Naupo ito roon saka siya inalalayan hanggang sa makandong siya nito.
"It's okay. You can cry," Zeus said in a gentle voice that broke her defense.
Nayakap niya ito kasabay ng kanyang paghagulgol. "I'm sorry. That was so embarrassing," she apologized between her painful sobs.
Zeus rubbed her back then pecked gentle kisses on her shoulder. "It's fine. I won't judge you. You had enough and you were so brave back then. Not everyone can speak up even when they're already having enough."
She sniffed. "Nakakainis na kasi, eh. Hindi ko siya sinasagot dahil ate ko pa rin siya pero . . ." Humikbi siya. "Sobra na kasi. Gusto ko lang naman na makitang magkusa rin siya na tulungan ang sarili niya. Kasi paano naman ako? Paano kung gusto ko ring makaipon para sa sarili kong kinabukasan? Habambuhay ko ba silang magiging pasan? Paano kung gusto ko rin namang lumagay sa tahimik oras na makahanap ako ng taong mapagkakatiwalaan ko nang buo? Hindi ba niya naisip na panganay siya, dapat nga nagsi-set siya ng example sa akin?" She sobbed. "Ewan ko ba. Lagi na lang kasalanan ni Roxie kasi pinili ni Roxie igapang ang pag-aaral niya. Kasalanan ni Roxie na nakipagsapalaran siya sa Maynila makakuha lang ng magandang trabaho. Kasalanan ni Roxie na kaya niyang buhayin ang sarili niya."
Zeus sighed. "You know, some people become so bitter of other people's success or status in life because they wanted to achieve what others have, but they're so afraid to go through all the hardships other people had gone through before they got to where they are. It's not about you, Roxie. It's about them so don't be sorry." Pinunasan nito ang kanyang mga luha. "I will never see you differently just because you lost your cool back there."
Humikbi siya. "Can we eat ice cream?"
Zeus chuckled softly. "We can eat whatever you want."
"Okay," naiiyak niyang sagot bago sumandal sa balikat nito. Nang patakan siya nito ng halik sa gilid ng kanyang ulo ay isinara na lamang ni Roxie ang kanyang mga mata saka siya humugot ng malalim na hininga.
Maybe, just maybe, Zeus will be the man who will change her perspective when it comes to men . . . and she hopes she wouldn't be wrong about him. Dahil kung hindi, siguradong lalo siyang mawawalan ng tiwalang makahahanap pa siya ng matinong lalake.
Iyong lalakeng hindi katulad ng tatay niya . . .