PANAY ang iyak ni Roxie habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ina. Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na wala na ito. Gigisingin sana niya ito kahapon nang mapakain na at mapainom niya ng gamot ngunit nang hawakan niya ang kamay ay malamig na. She tried to wake her up but her mom wasn't responding anymore. Tinawag niya si Totoy para humingi ng saklolo, ngunit nang sabihin ng mga kapitbahay na wala na ang nanay niya, pakiramdam ni Roxie ay gumuho ang kanyang mundo. She sobbed as yesterday's memories lingered on her mind again. Ang sakit-sakit na hindi man lamang niya nagawang makausap ang ina. Alam niyang hanggang sa huli nitong hininga ay iniisip nitong masama ang loob niya. Yes, her mom had apologized when they went back to their family house after she found out abo

