ILANG araw nang napapansin ni Roxie ang anak na si Aries. Madalas niya itong nakikitang nakatayo sa may paanan ng hagdan at tila nakatanaw sa itaas na palapag. It was as if Aries wanted to go upstairs. Kaya lang ay napagsabihan niya na ang mga ito noong nahuling umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. "Evelyn, pwede mo bang ipagluto ulit ang anak ko?" tanong ng amo niyang babae. Roxie smiled and nodded. Ipinakita niya ang note niya na itinatanong sa ginang kung ano ang nais nitong iluto niya. "Adobo ulit ang gusto niya," sagot ng ginang. Napakamot siya ng sintido. Hindi yata nagsasawa sa adobo ang anak ng kanyang amo. Marahan na lamang siyang tumango bago niya hinaplos ang buhok ni Aries. She signed to tell him that he can play outside but Aries shook his head and said he'd rather si

