"Lintik namang buhay 'to, oo," asik ni Roxie sa sarili nang mapangiwi sa sakit.
Her coochie hurts so much whenever she's peeing. Halos ayaw na niyang umihi dahil sa hapdi kaya lang ay hindi naman pwede dahil baka mamaya ay UTI naman ang abutin niya.
She sighed as she washed herself carefully. Medyo nagsisisi siyang sa mala-diyos siya kaagad nagpauna. Dapat yata ay iyong sa kikiam muna nang nakapag-adjust muna siya. Palaki yata dapat nang palaki ang ipinapasok bago siya nagpapunit sa mala-braso ng sanggol.
Kaya lang ano pa ba ang magagawa niya? Bumagsak na ang Bataan! It's too late to regret sleeping with that yummy son of a b***h Zeus Alkaide whom she couldn't get out of her mind after what happened to them.
Maingat siyang humakbang pabalik ng kanyang kama. She already called in at work. Mabuti na lang at may kakilala siyang pwedeng gumawa ng pekeng medical certificate. Baka mamaya kapag nabuo na kaya siya absent ay dahil nawarak siya ng mala-Olympian God ay asarin pa siya sa trabaho.
Roxie picked up her phone to check her inbox. Some new messages were sent by her best friend, Cyra. Ini-interrogate na siya nito kung bakit bigla na lamang silang nawala ni Zeus sa resto. Zeus told her na sinabi raw nito kay Jael na hindi sila sabay na umalis ng lugar kaya lang ay mukhang hindi naniwala si Jael.
She bit her lower lip then typed a reply to Cyra.
Roxie Cornejo: Alam mo, kung may trust issues ka diyan sa jowa mo, huwag mong i-reflect sa akin. Sinabi ko nang hindi kami sabay umalis ni Zeus ng resto, okay? Sumama lang talaga ang tiyan ko. Alangan naman umutot ako ro'n?
Cyra reacted "haha" on her chat before typing a reply.
Cyra: Gaga ka kaya tayo friends. Anyway, may trip kami ni Jael next week. Do you wanna tag along?
Roxie sighed. Mabuti pa itong kaibigan niya, pa-travel-travel at pa-s*x-s*x na lang samantalang siya, kailangan pang magbanat ng buto dahil kung hindi, gutom ang pamilya niya sa probinsya. Kung makayaya pa parang nakalimutan yata nitong hindi naman siya ang nakabingwit ng isang hotelier.
Napanguso si Roxie. Kung pwede lang sanang mag-novena sa harap ng Ma'am Sadie niya nang mahawaan naman siya nito ng swerte. Kaso hindi. Kailangan pa rin niyang kumayod para sa pamilyang umaasa sa kanya.
Speaking of her family, magtitipa pa lamang sana siya ng chat kay Cyra nang umalingawngaw na ang tunog ng phone niya dahil sa tawag ng ate Rita niya. Napaungol na lamang siya sa asar at idinukdok sandali ang ulo sa unan bago niya sinagot ang video call.
"Roxie, anong petsa na. Wala pa ba? Bayaran na sa school ni Totoy," bungad nito sa kanya.
Nagkamot siya ng ulo. "Ate, sinabi ko na sa'yo 'di ba? Nagkaroon ng changes sa payroll kaya na-adjust ang pay day namin para hindi sabay-sabay ang pag-withdraw. Naawa na sa amin sila Sir kaya sila na ang nag-adjust dahil halos magpatayan na kami sa harap ng ATM tuwing sahod."
"Eh, hindi ko na problema 'yon, Rox. Alam mo naman ang gastusin dito. Mangutang ka na lang kung wala pa at kailangang-kailangan na ni Totoy ng pambayad sa uniform," naiinis na sagot ng ate Rita niya.
Gustong magtaray ni Roxie dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit responsibilidad niya ang anak nito. Para bang utang na loob niyang nagpabuntis ito nang maaga kaya hindi na nakapagtuloy ng kolehiyo kaya siya na lamang ang iginapang ng mga magulang.
Para kay Roxie ay hindi naman matuturing na sakripisyo ng isang panganay ang pagtigil ng ate niya sa pag-aaral. Bakit parang kasalanan pa niya ngayon na siya itong may magandang trabaho?
She sighed. Kahit naiinis siya ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Sabi ng mga magulang niya, palaging dapat irespeto ang nakatatanda. May kasamaan ang ugali niya pero hindi niya kailanman binastos ang ate o mga magulang niya dahil ganoon siya pinalaki.
Pinagtitiisan ang sama ng loob at pang-aabuso alang-alang sa respeto.
Pinilit niyang maupo. "Ate, baka pwedeng humingi ka na muna sa tatay niyang si Totoy tutal ilang buwan nang hindi nagbibigay ng sustento sa bata. Ilang araw na lang naman--"
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Roxie? Alam mo nang may ibang pamilya na 'yon. Magmumukha lang akong katawa-tawa kung hihingi ako sa kanya! Porke't maganda ang trabaho mo ang yabang mo na, Rox alam mo na ngang wala naman akong ibang pagkukuhanan!"
Kinuyom ni Roxie ang kanyang kamao. Kasalanan ba kasi niyang pumili ito ng lalakeng hindi marunong magsustento? Iyong pagkatapos itong buntisin, bumili lang sandali ng gatas at diaper ay naghanap na ulit ng ibang mapupunlaan?
Roxie badly wanted to talk back already, lalo kapag ganitong sa kanya pa nagagalit ang ate niya gayong kung tutuusin hindi naman siya ang naglagay rito sa sitwasyon nito ngayon.
All she did is work hard during college, avoided temptations, and aimed to have a decent job. Bakit ba parang kasalanan pa ng mga nagtino kapag hindi maabutan ang mga umaani ng mga maling desisyon nila sa buhay?
Hindi niya maintindihan. Ginusto lang niya ng maayos na kinabukasan. Why is her sister taking it against her?
Nilunok na lamang niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Sige, ate mag-cha-chat na lang ako mamaya. Hihiram na lang ako sa katrabaho ko."
That's a lie. Hangga't maaari ay ayaw na niyang mangutang dahil naranasan na nila iyon ng pamilya niya. Kung tapakan sila ng mga pinagkautangan ay parang binili na ang kanilang pagkatao kahit magbabayad naman.
She doesn't want to experience that anymore, kaya nga nagtatabi siya at hindi sinasabi sa ate niya. Kukurot na lamang siya roon at iyon ang ipapadala sa ate niya nang manahimik na ito.
Roxie stared at the screen of her phone after her sister dropped the call. Ni wala man lang pangungumusta o kaya maayos na paalam.
Sanay naman na siya kaya lang madalas ay nakasasama pa rin ng loob. Manong sabihan man lang siyang mag-ingat dahil mag-isa lang siyang nakikipagsapalaran sa Maynila?
She rubbed her chest as she breathed in deeply. "Bawal umiyak. Ang umiyak, panget, Rox," aniya sa sarili.
Suminghot siya't pilit na pinakalma ang sarili. Maya-maya ay muling tumunog ang phone niya dahil sa natanggap na chat sa kanyang i********: account.
She looked at the screen and checked the chat, only to realize that it was from Zeus.
Zeus Alkaide: Can you walk?
Muntik siyang matawa. Ano ba namang tanong iyon?
Roxie shook her head and typed a reply.
Roxie Cornejo: Kaya naman. Bakit?
She tapped her fingers on her thigh as she waited for his reply. Ngunit nang mabasa ang chat nito ay muntik na yatang tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso.
Zeus Alkaide: Wanna f**k again until it doesn't hurt anymore?
She blinked and watched him type another chat.
Zeus Alkaide: Now. I can pick you up.
Roxie was tempted to say yes, but then she remembered her rule. Bawal ma-fall. May pamilya pang binubuhay kaya bawal ma-broken-hearted sa poging may malaking armas. Isa pa wala siyang tiwala sa mga ganoon kagwapo. Baka kung magsawa kaagad ay siya pa itong kawawa sa huli.
Humugot siya ng hininga, at sa kabila ng kagustuhang maabot ulit ang langit, nagtipa si Roxie ng reply kay Zeus.
Roxie Cornejo: Next time na lang ulit. Busy pa ako para makipag-s*x.
She tapped the send button then let out the air she held in her lungs. Maya-maya ay ibinaba niya ang phone niya sa kama saka niya tinapik-tapik ang kanyang dibdib.
"Tama 'yan, Roxie. Hindi tayo rurupok sa Olympian God na iyon na may spear ni Apollo. Hindi . . . kahit gaano pa siya ka-yummy . . ."