Hira Pov.
Umupo ako sa naka angat na ugat ng Puno. Lahat sila ngayon ay nakapalibot saakin na nakatayo.
"Wala ka ba talagang natatandaan kung bakit ka napunta dito?" Ani ni Trino.
"Wala... Nasa sasakyan lang ako kanina kasama si Mama tapos pagka gising ko ay andito na ako."
"Nakita ka ni Inoh malapit sa lagusan sa kabilang mundo. Kung hindi nga ikaw ang nagkusang pumasok dito ay maaring pinapasok ka ng isang Dashira." Ani ni Lara.
"Dashira?"
"Isang makapangyarihang nilalang dito sa mundo namin. Ang kilala namin na natitirang Dashira dito ay sina Pinunong Rhevore at ang anak niyang si Shana." Paliwanag niya.
"Imposible naman kung sila ang nag papasok sa iyo dito. Si Pinunong Rhevore mismo ang nag lagay ng mahika sa lagusan na iyan na walang ordinaryong Deviera at karaniwang Tao ang makakalabas at pasok dito." Ani ni Lira.
"Sa ngayon, kailangan mo munang manatili kasama namin. Hindi mo pwedeng pilitin na lumabas. Kapag nalaman ni Pinuno na nakapasok ka dito ng walang pahintulot niya ay paparusahan ka niya." Ani ni Trino.
Wala narin naman pala akong choice kundi mag stay muna dito.
"Wag kang mag alalal, sa tingin ko naman ay tutulongan ka ni Ginang Almara na makabalik sa inyo." Ani ni Lara at ngumiti.
"Kaya mo bang mag isa muna? Kailangan na naming umalis eh" ani ni Trino.
"Ha? Saan kayo pupunta?"
Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito. Ano kaya ang mangyayari saakin habang wala ang mga to.
"Kailangan naming pumasok sa paaralan. Papagalitan kami ni Ginang Almara kapag nalaman niyang hindi kami nakapasok."
Muntik ko nang makalimutan na may isang lalaki pa pala kaming kasama. Ngayon lang din kasi nasalita tong si Inoh.
"Mas mabuti pa ay bumalik ka muna kay Ginang Almara at siya na ang bahalang sumagot sa mga tanong mo. Tandaan mo, wag kang masyadong mag ikot ikot muna."
Tumango ako kay Lara. Nagpaalam na sila saakin at sabay silang umalis. Nag stay muna ako ng ilang minuto bago naglakad pabalik kung saan ako nag stay kanina. Nakita ko yung sinasabi nila na Ginang Almara na naka upo mahabang upuan habang nagbabasa.
"Nakabalik kana pala.." ani niya. Naramdaman niya ata ang pagdating ko.
"Hello po.." umupo ako malapit sa kanya at sinilip ang kanyang binabasa.
Medyo luma na ang Libro. Nagsisimula naring masira ang cover page nito. Na amoy ko narin ang pagka luma nito. Inalis niya ang salamin niya at binaba ang hawak na libro.
"Kamusta ang iyong pamamasyal sa paligid?" Ani niya.
"Okay naman po. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala kung asan ako ngayon."
"Masasanay karin iha.."
"Pano po ba makalabas dito. Baka po kasi nag aalala na ang Mama ko and yung bag ko po pala? Andoon kasi ang Phone ko."
"Hindi ka pwedeng lumabas, Hiraya. Kahit kami ay hindi pwedeng makalabas dito. Isinara ni Rhevore ang Lagusan upang walang makapasok at makalabas sa kahariang ito. Kaya wala kaming magagawa upang tulongan ka."
So, dito na ako forever? How can i survive in this kind of world? Hindi ko nga alam kung nasa pilipinas paba to o nasa ibang planet na kami.
Pero, sa pilipinas pa sa siguro. Marunog sila mag tagalog eh. Ang lalalim nga lang ng iba nilang sinasabi.
"Yung bag ko po?"
"Wala kang dalang kahit ano nang makita ka ni Inoh."
Unti unting tumayo si Ginang Almara kaya agad ko naman siyang inalayan.
"Saan ka po pupunta?"
"May nais lang akong ipakita at ipakilala sa iyo, Iha." Ngumiti siya at sinuot ang salamin niya.
Inalalayan ko siya hanggang sa makalabas kami ng Kwarto. Habang inalalayan siya at itinataas ko rin ang ilalim ng damit ko. Baka kasi madumihan at baka mapatid ako.
"Natural na saamin ang pagsusuot ng mahaba, Hiraya. Mabuti nalang at kami ang nakakita sayo. Kung si Rhevore ang nakakita sayo ay tiyak na parurusahan ka niya sapagkat nilabag mo ang isa sa mga bawal sa kahariang ito. Ang haba ng iyong saya ay nasa itaas na nang iyong tuhod. Paparusahan karin kapag nalaman niya na hindi ka taga rito."
Big deal pala dito yung gaano ka ikli yung susuotin? Eh ganon ang uniform namin eh, wala na akong magagawa don.
Nakarating kami sa parang city nila. Naririnig ko din ang ingay ng mga busina ng sasakyan at ingay ng mga Taong naglalakad.
"Ang Kaharian namin ay hindi naman naiba sa mundo niyo. Lahat ng mga teknolohiya na meron sa inyo ay itinuturo din dito saamin."
"Paano niyo naman po nalalaman iyon? Diba hindi naman kayo nakakalabas dito?"
Ngumisi siya at ikinumpas ang palad niya. Biglang may lumabas na video sa kamay niya. Pano niya nagawa iyon?
"Hala! Ang galing!" Sinubukan ko na hawakan iyon pero lumalampas lang ang kamay ko. Nakikita ko ang mga nangyayari sa mundo namin dahil sa lumalabas sa kamay niya.
"Hindi man kami nakakalabas pero marami kaming alam sa mundo niyo."
Sinubukan ko rin na ikumpas ang kamay ko kagaya ng ginawa niya pero para lang akong baliw. Walang lumalabas.
Hinawakan niya ang Kamay ko at pinitik ang mga daliri niya. Biglang parang may malakas na hangin na humila saamin. Dahil sa lakas nito ay napapikit ako.
"Imulat mo ang iyong mga Mata, Hiraya."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at muntik na akong malula kasi nasa itaas kami ngayon ng Bundok. Dahil sa lakas ng hangin ay nililipad ang mga buhok ko.
"Ginang Almara! Asan po tayo?! Pano tayo napunta dito?"
Ngumisi lang siya at nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang Puno at may katabi na tatlong parang punso.
"Dito inilibing ang aking Asawa, aking kapatid at ang kanyang nag iisang Anak na Babae." Ani niya.
Nakakalungkot naman. Tatlong mahalaga sa buhay niya ang nawala.
"Paano po sila namatay?"
"Nagkaroon ng Digmaan dito sa Arkisha noon. Marami ang namatay kasama na doon ang Dating Hari at ang Pinunong Dashira na si Dhalia. Hindi rin nakaligtas ang aking asawa at ang aking kapatid. Namatay naman sa karamdaman ang aking pamangkin."
"Bakit mo po ako dinala dito?"
"Hihiramin mo muna ang katauhan nang aking pamangkin."
"Po?"
"Ikaw ay magpapanggap bilang pamangkin ko. Hindi alam ng karamihan na may pamangkin ako sapagkat hindi naman siya masyadong nakikipag halubilo sa ibang Deviera."
"Kailangan pa po ba iyon?"
"Kailangan iyon iha, para rin iyon sa proteksyon mo."
"Opo, Ginang Almara."
"Tawagin mo akong Tiya Almara, Hiraya."