Hira Pov.
Kakabalik lang namin pagkatapos naming mag ikot ikot. Andito ulit ako sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Infairness, Akala ko talaga maiinitan ako sa damit ko kasi sobrang haba at parang ang kapal ng tela pero parang ang gaan lang sa pakaramdam ng dimit.
Weird noh? Try to imagine guys, napaka init sa pinas then magsusuot ka ng hanggang sahig na dress na makapal tapos longsleeve pa. Diba? Ang init tingnan? Pero ibang iba talaga dito..
By the way, hindi na namin kasama si Shana. Hihiga na sana ako sa kama nang biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at nakita ko si Ginang este Tiya Almara. Lumapit ako sa kanya at tinulongan siyang maka upo sa kama ko.
"Pasensya na kung nagambala kita sa iyong pagpapahinga.."
"Naku po, Don't worry Tiya. Okay lang po.." nahihiyang ani ko.
"Nakakatuwa namang marinig iyan iha. Kay tagal ko naring hindi narinig ang katagang iyan."
"Bakit nga po pala kayo narito?"
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may hawak na mga papeles. Nilapag niya ito sa gilid ko at lumabas ng kwarto.
"Kailangan mong ihatid iyan sa paaralan iha, Naglalaman iyan ng iyong mga Impormasyon. Iyan ang iyong magiging dokyumento sa paaralan."
"Which School po? Do i really need to give this? Alone?"
"Iisa lang naman ang paaralan dito sa Arkisha, aking pamangkin. Iyon ay ang Unibersidad ng Arkisha. Sinabi saakin ni Lara na ipinasyal kana niya doon kaya marahil ay alam mo na ang patungo roon. Kaya ikaw ang ipinapahatid ko ay para makilala ka ng Punong Tagapagngasiwa ng Paaralan. Tandaan mo iha, mahalaga ang unang impresyon."
"Ahh.. Okay po. Can i rest po muna. Pupunta po ako doon maya- maya"
Lumbas na si Tiya Almara sa Kwarto kaya pinili ko munang matulog. Napagod din kasi ako sa pag iikot namin kanina.
Well, hindi naman ako nagtagal sa kwarto. May ugali talaga ako na hindi ako mapakali kapag may inuutos saakin o may kailangan pa akong gawin. Kaya tinatapos ko talaga muna ang mga gawain bago magpahinga. Ganun din ba kayo o ako lang?
Nagbihis muna ako at tinali ang buhok ko. I just need to play along with these people muna, until i can go back. Wala rin naman akong matitirhan dito kundi sa kanila lang talaga.
Honestly, I still can't believe kung ano ang nangyayari ngayon. I'm still hoping that this is just a dream and then when i woke up this place is doesn't exist.
But it's not. This is not a dream and this world does really exist. Those Devieras and Dashiras are real. Lumabas na ako at naglakad bitbit ang mga papers na kailangan kong ihatid.
Hindi pa naman ako nakakalayo ay nakasalubong ko si Trino. Ngumiti siya at unti unting lumapit saakin.
"Kailangan mo ba ng Tulong, Binibini?" Ani niya.
"Hindi na, Trino. Kaya ko namang dalhin tong mga papeles nato."
"Hatid na lang kita sa Eskwelahan, Binibini" ani niya. Okay lang naman saakin kaya pumayag ako. Nahalata ko lang dito kay Trino ay sobrang daldal niya. Tuwing may madadaanan kami ay marami siyang Kwento tungkol doon.
Napansin ko din na Kilala siya ng mga Tao. Siguro dahil narin siya magaling siyang makipag kaibigab kaya marami siyang kakilala. Atleast, Hindi ako na bored habang naglalakad.
"Andito na po Tayo, Binibini" ani niya at nakangiting humarap saakin.
"Salamat sa paghatid, Trino. Mauna na ako sa iyo para maihatid ko na ang mga to" kumaway na ako sa kanya at naunang naglakad.
"Ingat, Binibining Hiraya!" Rinig ko pang ani niya.
As i expected ay pinagtitinginan na naman ako ng mga Tao dito. I'm sure they are curious about me. Mabilis ko namang natandaan kung saan kami dumaan kahapon. Tinuro na saakin to ni Lara kaya kayang kaya ko na to.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating na ako sa kwarto na sinasabi nina Lara at Shana na may sampung Estudyante na namatay kasama pati ang Teacher nila.
Napansin ko na nakabukas ang pinto. Hindi ba delikado na hayaan lang nilang bukas ang kwartong to? Luma na kasi at parang bibigay na. Delikado at baka may malaglagan ng kahoy dito.
Hindi ko nalang pinansin at lalakad na sana ng may narinig akong yabag ng paa galing sa loob. Lumapit ulit ako at sumilip sa Bintana ng Classroom. Parang wala namang tao sa loob.
Binuksan ko ng malaki ang pinto at unti unting pumasok.Muntik ko pang maibato ang hawak ko na mga papel dahil sa gulat. May nakita akong lalaki na nakaupo sa pinaka dulo ng classroom nagbabasa siya ng libro at tila hindi napansin ang pagpasok ko.
Iniangat niya ang kamay niya at pinaharap ito sa pinto. Bigla itong nag sara kaya muntik pa akong makapagsalita ng hindi ka nais nais na mga salita.
I know na may powers ang mga tao dito pero sana sabihan din nila naman ako kapag may gagawin sila. Nakakagulat eh.
"Inoh naman!" Ani ko at napahawak sa dibdib ko.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Ani niya habang nakatingin parin sa libro ba hawak niya.
"May ihahatid lang ako na Files dito. Nakita ko kasing bukas ang pinto kaya pumasok ako."
Hindi ba siya natatakot sa lugar nato? Luma na kasi at parang ang creepy tingnan.
"Maari ka na bang lumabas? Nais ko sanang mapag isa."
"Ahh, Okay. Lalabas na ako" Lumapit na ulit ako sa pinto at binuksan ito. Ganyan ba talaga ang lalaking yan? Simula nang napunta ako dito nasusungitan na talaga ako sa kanya.
Lumabas na ako ng Kwarto at sinarhan ulit ito. Naglakad nalang ulit ako hanggang sa marating ko ang opisina na dapat kong ibigay ang files ko. Kumatok muna ako ng dalawang beses at dahan dahang binuksan ang pinto.
"Hello po, May ihahatid lang po akong mga papeles." Ani ko. Binigay ko ito sa Babae na nakita ko.
"Ikaw ba ang pamangkin ni Ginang Almara? Ano nga ulit ang pangalan mo iha?"
"Hiraya po..."
"Hmm Hiraya..." Nilapag niya ang mga papeles sa Mesa niya at lumapit ulit sakin."...Welcome to our School, Miss Hiraya. " Ikinumpas niya ang mga daliri niya at biglang may lumitaw na ID aa kamay niya.
"Woah!..." Binigay niya ito saakin at agad ko namang kinuha.
Nang pang tingin ko ulit sa gawi niya at wala na siya. Do i really need to do this? Gusto ko lang naman na malaman kung paano ako makakalabas dito at mahanap si Mama. I'm not planning to stay here for a long time.