PROLOGUE

554 Words
"Hindi maari ang iyong nais, isa kang Prinsesa at higit sa lahat isang natatanging Dashira!" "Mahal na Hari, Hindi kopo nais na maging Prinsesa o Maging Reyna sa Hinaharap. Nais ko po ng normal na buhay kasama ang aking mahal." "Ipagpapalit mo ang iyong trono at Susuwayin mo ako dahil lang isang Karaniwang tao?! Ano ang iyong iniisip!" "Hindi ko po, iiwan si Leonardo. Patawad po ama ngunit kailangan kong gawin ito." Tumayo sa pagkakaluhod si Dashira Dhalia at Tumakbo papalabas ng Tanggapan ng ama. Kailan man ay hindi na siya bumalik sa kanilang mundo kung saan sana'y siya nararapat. Gaya ng kaniyang nais ay nagsama sila ng kaniyang Iniibig na taga- lupa. Sa loob ng dalawang taon ay nagsama sila at nagkaroon ng isang magandang anak. Wala ng hihilingin pa si Dashira Dhalia kundi ang maging masaya sila ng kaniyang pamilya. Ngunit panandalian lamang iyon, nabatid ng dashira na nagkakaroon ng digmaan sa kanilang daigdig. Bilang isang Dashira at Unang Prinsesa ng Arkisha ay pumunta siya sa kanilang daigdig. Dahil sa pag aalala sa kanyang asawa ay sumunod si Leonardo kay Dashira Dhalia. Lingid sa kaalaman nila ay ang pinsan ni Dhalia ang sa likod ng Digmaan. Dahil sa nais ng angkan ni Rhevore na siya ang maging susunod na pinuno ay nag isip sila ng paraan upang maagaw ang pwesto sa kasalukuyang Hari at sa natadhanang tagapag mana na si Dashira Dhalia. Tumulong si Dhalia na makipaglaban sa mga kalaban ngunit Tuso si Rhevore, napag handaan nya ang pagbabalik ng Dashira at nagawa niya itong paslangin. Bago pa ito mawalan ng malay ay may isinambit siyang orasyon na nangangahulugang hindi niya gagamitin ang kanyang kapangyarihan na buhayin ang sarili subalit, ibinigay niya ang kaniyang kapangyarihan sa nagiisang anak at piniling pumasok sa katawan ng anak upang maprotektahan ito. Dumating si Leonardo at sinubukan na iligtas ang asawa subalit huli na ito. Pinaslang rin ni Rhevore ang walang laban na taga lupa at nagtagumpay sa kanyang mga plano. Dumaan ang ilang taon at nagpatuloy ang buhay ng mga taga Arkisha. Ngunit may pagbabago rin na naganap matapos ang pamumuno ng huling hari. Naging ganap na Pinuno si Rhevore ngunit hindi siya nahirang na Dashira ( Pinakamataas na katungkulan at kapangyarihan ng mga kababaihan) sapagkat ito ay hindi purong Dashira at tanging ang upuan na nagsisilbing trono nito ang may kapangyarihan na ihirang ang isang babae bilang isang Dashira. Kahit pumanaw na ang Dashira Dhalia ay hindi parin ito nakakalimutang ng mga Tao. Kilala siya bilang Mabait at matulungin na Pinuno. Kahit pinili niyang sumama sa kanyang asawa ay hindi rin nito nalilimutan ang daigdig na pinagmulan. Ibinuwis niya ang kanyang buhay upang mailigtas ang kaharian sa traydor na pinsan. Ngunit palaisipan parin sa lahat kung naasan na ang kanyang Anak. Wala na ang Dashira Dhalia at ganon rin ang kanyang asawa na si Leonardo. Kaya't nagtataka ang mga Tao kung asan ito. Nabubuhay parin ba ito sa kaharian nila? Sa nag daang taong ay pinilit na hinanap ni Rhevore ang nawawalang anak ni Dhalia. Pinag iisipan niya itong paslangin upang hindi na maagaw sa kanya ang pamumuno sa kaharian. Paalala lamang mga Ginoo at Binibini, ang kwentong ito ay gawa lamang nang aking imahinasyon. Kung may pangyayari, lugar o kapangalan man na may kapareho sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD