Kasalukuyan naka leave ngayon c Cris,Naisipan niyang bisitahin ang pinapagawa niyang bahay sa tagaytay,Gusto niyang makita kung malapit na ba itong matapos,dahil walang nakaka alam na may bahay siyang pinagawa kahit mga magulang niya mismo ay walang alam maliban kay Xian ang matalik niyang kaibigan simula pa sa kolehiyo pa sila.Gusto niyang makasiguro kapag bubuo na siya ng sariling pamilya ay malayo sa mga magulang nito.
Maagang bumiyahe patungong tagaytay c Cris. Tatlong oras ang biyahe niya dahil hindi traffic at madali lang sa kanya tahakin ang lugar.Medyo papasok ng kaunti mula mainroad ilang metro pa layo sa kinaroronan ng bahay. Papasok ka palang sa lugar may madadaana kana mga pine trees nakahalera sa daan at makikita mo ang tuktok ng bubung ng bahay.May malakahel ang kulay ng gate at may magandang desensyo naka pigura ng gate.Pinag buksan siya ng isang lalaki na may katandaan na rin ang edad,Isa ito sa mga pinag kakatiwalaan niya sa bahay habang wala siya doon,matagal na ito naninirahan doon,nasa malapit lamang ang tirahan nila at may asawa at anak na ito.
"Magandang araw iho..bati ng matanda sa kanya.
"Magandang araw din manong Tedi...balik ni Cris
"Mabuti nakadalaw ka ngayon,kamusta kana medyo matagal ka rin hindi nakapasyal dito ahh..Manong Tedi
"Opo medyo naging busy lang sa manila marami inaasikaso..tugod ni Cris
" Kumusta naman dito manong ,May naging problema ba sa construction ng bahay?..
"Wala naging problema iho,katunayan malapit na nga matapos,Halika pasok tayo sa loob para makita mo ang kabuohan ng bahay,ngayon palang napakaganda na nga tingnan sa loob...
"Sige po manong pasok na tayo...Cris
Inisa isa ni Cris tiningnan ang loob ng bahay,Tama nga konti nalang kulang matapos narin ito.Gamit na lang kailangan para puwede ng tirhan..
Iho ilang araw ka dito mamalagi?Manong Tedi
"Isang linggo ako dito manong,naka leave ako ngayon sa kompanya...Cris
"Mabuti naman kung ganun,at makapag relax ka naman kahit konti na halong saya ang matanda.
"Kaya nga po manong,gusto ko lang makasiguro na matapos na bahay dahil gusto ko sana ipakita ito sa tao na gusto kung makasama na bubuo ng sarili kung pamilya..Dahil wala akong ibang inisip sa oras na yun kundi c Denise,mula sa isip niya...Cris
"Masaya ako dahil nakatagpo kana babae na mamahalin mo at kasama sa pangarap mong pamilya iho...
"Maghahanda muna ako ng makakain natin sa pananghalian iho,kung may kailangan kapa tawagin niyo lang ako..
"Okay po..salamat.
Nasa sala c Cris at pinagmasdan niya ang loob ng bahay may mga plano na siya kung ano ilalagay at may kakilala cyang interior designer na mahusay.
Umakyat cya sa ikalawang palapag,Tinungo niya ang master bedroom,malaki ito sa loob,pinasadya niya malaki ito dahil gusto niya malawak na espasyo.May walk in closet ito,malaking restroom,separate ang shower room at bathtub na pagitan ng glasswall nito. May kama na ito ngunit gusto niya palitan ito ng malaki na kasya ng pang pamilya dahil kung sakali may mga anak na siya,gusto niya may family bonding sila sa loob ng kwarto nila.
Gusto sana niyang tawagan c Denise ngunit may gusto siya patunayan sakaling ma miss kaya siya nito kung hindi siya magparamdam.May nabuo sa isipan niya na isang linggo niya tiisin na hindi ito tawagan dahil sakaling ma miss siya nito mapapatunayan niya may espesyal din itong nararamdaman sa kanya.
.
.
.
.
.
.
Abala c Denise sa gawain habang nasa loob cya ng opisina,Dahil mag isa lang siya naglinis siya sa lamesa niya at kay Cris,Kahit may taong gumagawa nun.Bukod sa wala naman inahabilin c Cris sa kanya mga gawain,nag mistulang janitress cya dahil nilinis ng loob ng opisina,Na boboring siyang nakatunganga sa monitor ng computer
wala naman mag uutos sa kanya maliban kay Cris siya ang assistant nito wala mag uutos sa kanya.Nasa kalagitnaan na siya ng mag ring ang telepono ni Cris.Agad naman sinagot ni Denise.
"Magandang Araw,sino po sila?..Denise
"Nandyan ba c Cris?tanong ng nasa linya
"Ma'm wala po c Sir Cris naka leave po siya ngayon..Denise
"Baka tinatago mo lang siya sa'kin Ms. Alam kung nandyan c Cris ngayon, Kung hindi mo ibigay ang telepono sa kanya sisiguraduhin ko matatanggal ka sa trabaho mo..mataray na sagot ni Paula kay Denise..
"Saka baka di mo ko ako kilala ako ang fiance ni Cris kaya sabihin mo sa kanya na tawagan ako ngayon din..
"At sasagot pa sana c Denise ng diretsong binabaan siya ng telepono nito.
"Whoahh..parang di ko yata kaya siyang harapin,napaka maldita niya..Panu ba yan.
Naka ilang dial pa cya sa numero ni Cris ngunit out of coverage ito.Nag type nalang siya mensahe kung sakaling makapag signal ito ay mabasa niya.
Hi Sir Cris, may tumawag po dito sa opisina hinahanap po kayo,Isang babae fiance nyo raw sir,ang pangalan niya ay Paula.Kailangan niyo po daw siya tawagan,Galit na galit po siya dahil di kayo nakausap.Sinabi ko naka on leave kayo ngayon ayaw niya maniwala sa kin,tinawagan kita pero out of coverage ang cellphone niyo.Tawagan niyo nalang cya sir.
Naisend na ni Denise ang mensahe.Sampung minuto ay tumunog ang message alert tone mg cellphone ni Denise.
Hello Denise salamat sa info ,Ok tatawagan ko nalang siya,by the way hindi ko siya fiance,She's the one who claim that word of fiance ok!..But for me is not true.I apologise what she did to you..Im sorry..and take care.
"Youre welcome Sir Cris..take care also sir.
Hindi nagawa pang marami sasabihin c Denise dahil wala siyang karapatan na magtanong kung ano ugnayan nila ni Paula,Ngunit bakit nasasaktan ako sa sinabi ni Paula na fiance niya c Cris,Bakit kay Cris balewala ito, hindi ba mahal ni Cris c Paula pero ikakasal sila.Ano yun laro lamang para kay cris ang isang bagay na kasal.
.
.
.
.
.POV CRIS
Katatapos lang ng pananghalian nila ni manong tedi ng tumunog ang kanyang cellphone. pinulot niya ito sa maliit na lamesa sa may sala dahil na lowbat cya kanina.Nagcharge siya nito.nakita niya sa screen ang pangalan ni Denise,nakangisi binasa ang text sa kanya,Napalitan lamang ang tamis ng ngiti ng mabasa ang pangalan ni paula at inidetalye kung ano kailangan nito sa kanya, Isa sa nagpakunot ng kanyang nuo ng banggitin ni Paula na fiance niya ito.At talaga hanggang ngayon nasa utak parin ni Paula na pakakasalan ko cya..In her dreams..Iniwan niya ang cellphone sa lamesa.Wala siyang balak tawagan c Paula dahil magtatanong naman kung nasaan ako.Hindi titigil kung di ko sasabihin.Lumabas siya ng bahay at nagtungo kay manong tedi sa likod bahay na may kinukompuni.