Pagkatapos ng kanilang dinner ni Cris ay inihatid na cya sa kanilang bahay.Naabutan ni Denise ang kanyang mama nasa living room nanunuod ng tv.
"Ma., magandang gabi po...bati ni Denise sa kanyang ina..,
"Oh anak nandyan kana pala kararating mo lang bah.,pasensya na hindi kita napansin...sagot ng kanyang ina.
"Bago lang po ako., inihatid ako ni Cris..tapos na po ako kumain..kayo po c Dharen nasaan.,
"Ahh nasa kwarto niya anak., bakit matamlay ka yata ngayon, may nangyari sa trabaho mo anak?sabihin mo sa akin kung ,may problema ka anak wag mong suluhin andito kami ni Dharen, tayo nalang ang magkakaramay sa lahat ng problema natin.
"Wala po mah.,hindi lang maganda ang pakiramdam ko.Dahil sa pagod marami kasi kami preparasyon ngayon dahil sa nalalapit na lunching ng kompanya ni Cris.
" Anak magtapat ka nga sa akin..,May ugnayan ba kayo ng boss mo c Sir Cris.,?bakit tuwing nakikita ko kayo parang may espesyal kayong nararamdaman sa isat isa.,Ayaw ko lang sana pangunahan ka gusto ko sana kaw mismo ang magsabi sa akin..,Dahil palagi nalang kayo magkasama,tuwing papasok sa opisina susunduin ka niya dito, Tapos hinahatid ka pa niya dito sa bahay pag gabi.,
"Mah, sana po huwag niyo po ako husgahan.,Opo., Mah boyfriend ko na c Cris., pero Mah, lingid sa lahat na meron kami ugnayan, Dahil yun ang hiling ko sa kanya.Pero siya mismo gusto sana niya ipa alam sa mga naka kilala sa kanya. Ako
ang po ang pumipigil sa kanya, dahil ayaw kong ,masira ang reputasyon ni Cris ng dahil sa akin., Malayo po agwat natin sa pamumuhay sa kanilang pamilya.Hindi pa ako handa Mah.,
"Pero anak., Kung mahal mo c Cris dapat mo siyang ipaglaban sa lahat ng taong mapanghusga sa iyo.,Dahil siya handa kaniyang ipaglaban.,Ipagdarasal ko anak na sana maging matatag ang inyong pagmamahalan sa isat isa.,At kaya niyo harapin kung ano man pagsubok na darating anak..Wala naman kaso sa akin anak kung sino ang taong mamahalin mo basta mamahalin karin na lubos na higit pa sa buhay niya.
"Salamat po Mah., at niyakap niya ang kanyang Mama.,Aakyat na po ako sa kwarto ko Mah., magpapahinga na po ako.,,Denise
"Hala sige na umakyat kana sa taas, tatapusin ko lang itong pinapanuod ko at maya maya rin papasok na rin ako sa aking silid.
.
.
.
Nasa malalim ng pag iisip c Cris ng tumunog ang kanyang cellphone.,
"Hello Mom..pagod na boses ang sinagot ni Cris sa kabilang linya.
" Son..Im sorry ,wala man lang akong magawa sa disisyon ng iyong ama..ayaw ko sana mahimasok sa buhay mo anak..dahil nasa tamang edad kana para makapag disisyon kung ano gusto mo sa iyong buhay. At sa babaeng gusto mong makasama...
"Mom..Salamat dahil nandyan ka para sa akin at naiintidihan mo ako.Kaya ko na to gagawan ko ng paraan ako ng bahala, wag na kayo mabahala sa akin Mom.. Cris
"Basta anak kung ano man iyong disisyon susuportahan kita..mahal na mahal kita anak..sige na magpahinga kana..good night son....
"Good night Mom...Cris..
At nawala na kabilang linya ang ginang...matapos ang usapan nila ng kanyang ina ay lumabas muna siya sa kanyang silid at nagtungo sa kanyang mini bar at kumuha siya ng baso at nagsalin ng alak . Umupo siya sa kanyang high chair sa mini bar.Naiisip niya c Denise,kinuha niya ang kanyang cellphone at agad niya tinawagan..
"Hi baby...ano ginagawa mo ngayon...Cris
" Nasa bed na po ako babe..kaw bakit hindi ka pa nagpapahinga...Denise
"Nagpapalamig muna ako..di pa kasi ako dalawin ng antok..sabay tawa nito...Cris
"Umiinom ka ba.? Tanong ni Denise..
"Yap..kaunti lang naman baby...nasa condo lang ako ngayon don't worry...okay!
katatapos lang namin mag usap ni Mommy... bigay imporma niya...Cris
"Ganun ba babe...ok basta kaunti lang huh., saka after that magpahinga kana....Denise
"Baby...i miss you...and I love you....Cris
"Babe..ilang oras pa nga tayo nagka hiwalay na miss muna agad ako...bakit ang sweet mo ngayon huh...i love you too babe....Denise
"Nakatawa naman c Cris dahil totoo naman,magkasama nga kami kani kanina lang, sabay pa kami kumain ng Dinner....
"Babe......Denise
"Hmmmm..yes. baby.....Cris
"Babe., Nasabi ko na kay Mama ang tungkol sa atin...Wala naman pagtututol mula kay mama suportado niya tayo sa ating relasyon....Denise
"Salamat naman kung ganun baby...Hayaan mo dadalaw ako diyan sa inyo at pormal kong haharap sa Mama mo ang tungkol sa atin.,.hmmm...Cris
"Okay babe! kaw bahala kung kailan mo gusto pumunta,Sasabihan ko lang c Mama kung dadalaw ka para hindi naman siya mabibigla na darating ka dito sa bahay.
"Okay sige na baby...Matulog kana..uubusin ko lang itong iniinom ko at papasok na ako sa aking kwarto..Gusto sana kita makatabi sa pagtulog ngunit alam ko darating din tayo diyan....i love you.baby..bye....Cris
"I love you too babe...Same lang tayo ng gusto kaso di pa puwede eh..ok bye...good night....Denise
Naputol na ang kanilang pag uusap, At inubos na ni Cris ang laman ng kanyang baso, pagkatapos ay pumasok na sa silid at humiga na siya sa kanyang kama at ng tuluyan na siyang dalawin ng antok agad naman siyang nakatulog..