NANG araw na iyon ay ang 12th wedding anniversary ni Shawn at Bella, at sa araw ding iyon ay gaganapin ang renewal of vows nilang dalawa. Isang simpleng garden wedding lang iyon na ninais ni Bella na maganap. Tanging mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang inimbita nila para sa araw na iyon. Ang renewal of vows nilang iyon ay pinasya nilang hindi na maging katulad ng kanilang unang kasal na may mga abay pa sila, ninais nila na si Bella na lang at Shan ang tanging maglalakad sa Isle. Wala rin silang kinuhang magkakasal sa kanila dahil kasal naman na sila at renewal of vows lang naman iyon at gusto nilang sa harapan ni Shan sila pangako pareho, kaya ito ang lalagay sa kanilang harapan. “Bakit ba hindi ka mapakaili diyan?” nagtatakang tanong ni Brayden kay Shawn. Kasalukuyan na sila

