HABANG abala si Bella sa pakikipag-usap kay Sheena ay abala rin si Shan sa paglinga-linga sa buong paligid hanggang sa maabot nang tanaw niya ang isang lalaking naglalakad sa kabilang panig ng mall. Sa sobrang pagkasabik na nadarama ng bata ay agad siyang tumakbo papalapit sa lalaking pamilyar sa kaniya. “Dad! Dad!” malakas ng sigaw ni Shan ngunit hindi lumilingon ang lalaking tinatawag ng bata. “DAD!” Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo upang maabutan ang lalaking tinatawag nitong ama. Nang sa wakas ay maabutan niya ito ay mabilis na hinawakan ng bata ang kamay ng lalaki na walang iba kundi si Shawn. “Finally, Dad! I found you!” mangiyak-ngiyak na usal ng bata. Gulat na gulat si Shawn nang maramdaman ang kamay ng bata sa kaniyang kamay ngunit ang mas ikinagulat niya ay nang tawagi

