"SHAWN!" tawag ni Bella sa asawa ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kasalukuyan itong paalis papuntang Batangas. Sadyang maaga siyang gumising upang abangan ang pag-alis nito dahil hindi na naman ito natulog sa kanilang silid. Napabuntong-hininga na lamang siya habang tinitingnan ang paalis na sasakyan ng kaniyang asawa. Alam niyang seryoso ito sa sinabi nito kaya ngayon pa lamang ay iniisip na niya kung itutuloy pa nga ba niya ang pag-alis papuntang Subic. Bagsak balikat na bumalik siya sa loob ng kanilang bahay. Naghanda siya ng makakain niya para sa umagahan. Kinukuha niya ang kawali sa loob ng cabinet nang makaramdam siya ng kaunting hilo kaya naman napahawak siya sa labatory na iyon. Siguro dahil sa ilang gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil sa away nami

