KRISTA
Their silence is the most nerve-wracking sound I've listened to my whole life.
Ang papalakas na tunog ng pagkalansing ng mga kubyertos sa plato, mahinang pag-nguya ng pangkain, at ang mga nakaw na tingin; makapigil-hininga talaga ang bawat segundong nandito ako sa hapag-kainan namin kapag kasabay ko silang kumain.
“So, how's school?“ biglang turan ni mommy matapos mailapag ang kaniyang kubyertos sa kaniyang plato.
Natigilan ako ngunit kaagad ding iniangat ang aking tingin sa kaniya. Pilit akong ngumiti kahit na halos sumabog na ang puso ko sa kaba.
“O-okay lang,” nauutal kong sabi. “Mamaya na ang bigayan ng temporary card namin at ang announcement ng achievers ngayong quarter.“
Tinaasan niya ako ng kilay. “We better expect some good news later. As far as I can recall, all your exams and projects have high scores.“
Tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking pagkain. Ngunit, hindi pa ako muling nakakasubo ay mayroon na naman siyang nasabi.
“Also, kinausap ka na ba ng ate mo tungkol sa pag-apply ko sa Ateneo? Sabi niya sa akin, tutulungan ka raw niya ah.“
Ibinuka ko ang bibig upang sumagot ngunit agad na umatras ang dila ko. Kung wala akong magandang sasabihin, huwag nang magsalita pa.
“Hindi pa po. Baka mamaya,” sambit ko na lamang at binilisan ang pagkain.
“Mabuti at nang maisakaso mo agad 'yong mga kailangang ipapasang requirements. Hindi pwedeng hindi ka makapasok ng ADMU. Alam mo 'yan, Krista.“
Hindi na ako kumibo pa. Tinapos ko na ang aking pagkain, tumayo, at inilagay ang aking plato sa lababo bago bumalik ng aking kwarto.
I rolled my eyes as I walked upstairs. Pwedeng hindi ako makapasok sa ADMU ang totoong hindi pwede ay ang magiging kahihiyan na dulot nito sa kanila. They raised three ADMU's magna c*m laudes in Legal Management, Psychology, and Computer Engineering afterall. The idea of me not being admitted in Senior High School at ADMU would be a living nightmare for them.
Pagkababa kong muli ay dumiretso na ako palabas habang katatapos pa lamang nilang kumain. Tinawag ako ni mommy ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkalabas ay hindi ako nagpatuloy sa sasakyan namin kundi sa sasakyan ni Ate Paula sa likod. Kasalukuyan siyang nasa kwarto niya at kinukuha ang iba pa niyang gamit dahil lilipat na sila ni Kuya Russel sa Makati.
I really hate it here. So much. Hindi ko alam kung papaano natagalan ng mga kapatid ko ang pagiging mahigpit nila pagdating sa acads. It's like they're not raising us as their children but their
“Oh! Krista, ginagawa mo rito? Sasabay ka ba sa'min?“ sambit ni Kuya Russel pagkasakay ko sa likod ng driver's seat. Nakaupo siya sa passenger's seat dahil ayaw ni ateng siya ang nagmamaneho dahil ginagawa niyang racetrack ang kalsada.
Nakabusangot ako ko siyang tinanguan bago ko inihilig ang aking ulo sa bintana at inilipat ang aking tingin sa labas nito.