Third Person's POV MANY YEARS HAD PASSED talaga naman sinubok ang pagsasama nina Lisha at Sheldon. Ang mga anak nila'y nagsipagtapos na't karamihan din ay may pamilya na. Silang dalawa na lang ang magkasama sa kanilang tahanan. Malayong-malayo sa maingay nilang pamumuhay noon ay napakatahimik na ng buong tahanan. "Mahal, naalala mo pa ba ang mga pinaggagawa natin noon?" tanong ni Sheldon at ngumiti naman si Lisha sa kaniyang asawa. "Gustung-gusto mo talagang kumakain tayo ng ice cream pagkatapos ng aking laro. Talaga naman todo ang suporta mo sa 'kin at halos ang mga ka-team mates ko'y inggit na inggit sa 'kin. Ang swerte-swerte ko raw kasi may nobya akong kagaya mo. Aba! Syempre naman swerte talaga ako dahil mahal mo 'ko," nagmamalaking dagdag nito at nangingiti naman siya sa asawa. "

