Lisha's POV DALAWANG TAON ang nakalipas at maraming nangyari pero kahit paano'y naiayos na ang mga gusot sa 'ming buhay. Napatingin ako sa paligid. Maaliwalas, hindi ko na mararamdaman ang mga pait at sakit na aking dinanas. Nakapa ko ang aking singsing sa kaliwa kong kamay. Bahagya ko itong inikot-ikot sa 'king daliri. Napangiti ako dahil masaya ako at ngayo'y kumpleto't matatag na ang aming pamilya. Ikinasal kaming dalawa ni Sheldon, isang taon na nakakaraan. Halos hindi na kami mapaghiwalay at kasama namin sina Lando at Lizzy sa 'ming binuong tahanan. "Mahal, bakit nasa labas ka pa? Lalamigin ka niyan lalo pa't masama sa kalusugan mo 'yan at baka mapano si baby," paalala ni Sheldon habang nakayakap mula sa 'king likod. "Sorry, Mahal. Hindi na mauulit." Isinandal ko ang aking katawa

