Simple Life Kyrile's POV Simula nang tumungtong ako sa pamamahay nina Nanay at Ate ay masasabi kong naging masaya ako. Makalipas ang ilang mga taon ay nakakatapos na 'ko sa 'king pag-aaral mula sa online education. Matagal na rin simula nang umalis ako sa 'king pagiging buhay prinsesa. Kasalukuyang may pinapaktabo kaming negosyo ni Ate Ysay na isang eatery at may com-shop din kami na talagang dinadayo ng mga tao rito sa Sitio. Pumapasok na rin kasi si Toby sa eskwelahan sa ika-unang baitang. Talagang makikitaan ng kagalingan ito dahil naghahakot ng mga awards na ikinatuwa namin. "Ysay, isang order nga ng sinigang sa miso at dalawang order ng kanin pati na rin soft drinks," sabi ni Tomas, trabahador sa kabilang Baryo. "Ako rin, Ysay. Tatlong order ng lumpiang togue at samahan mo na rin

