Tears Sheldon's POV "ANO?!" takang tanong ni Lisha at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nag-aalala naman ako sa kaniya lalo na’t kakagaling lang niya sa ‘kin ay stress agad ang sumalubong. "Kumalma ka muna, Lisha. Kailangan mo munang magpalakas." Napabuntonghininga siya at tumango ngunit bakas ang lungkot sa kaniyang mukha. "Ahm. . . Alam mo bang miss na miss ka na ni Lizzy," saad ko at napatingin siya sa ‘kin na may halong pananabik. "Nasaan na si Lizzy? Puwede ko ba siyang makita?" tanong niya. "Lizzy, come to Mommy and say hi to her," tawag ko kay Lizzy na naka-estatwang nagtatago sa gilid. Nang tinawag ko ito’y biglang kumibot ang labi at kumaripas ng takbo papunta kay Lisha at umiyak. Napakaganda panoorin nilang magkasama. Hindi ko na napigilang umiyak. "Ikaw na ba 'yan,

