Last Dance Sheldon's POV Nasa Solstice Condominium ako ngayon para sa Bachelor's party of Yanz. Halos excited ang mga lalaki rito sa loob samantalang ako nama'y bagot na bagot at gusto kong makita si Lisha. Mas priority ko ang mang-istalk kaysa naman tumitig sa mga lumuluwang dibdib at katawan ng mga entertainers kaso ‘di ko naman ‘di sumipot lalo na’t pumayag na ‘ko bago pa kami nagkita ni Lisha. "Letse! Lalabas na ang surpresa, Bro!" bulaslas ni Clei na halata ang pagkasabik habang ako nama'y lutang ang isip. "Oh? Siguraduhin mong mag-e-enjoy ako at 'di masasayang ang oras ko rito," bagot kong sabi at sumandal na lang sa upuan. I'm so damn bored. Hindi ko naman kasi magawang umalis. Respeto na rin sa kaibigan kong ikakasal. Kasabay nang pagdilim ng paligid ay bumulaga ang malilikot

