ANALYN’s POV Halatang halata na pagod na si Shador. Kasalanan ko ang lahat kaya inabot ng ganito ang aking dating sweetie. Kumakain pa lang kami ay panay ang hikab na nito. Nagpaalam kaagad kaming aakyat na sa kanyang kwarto para makapahinga kaming dalawa. Akmang bubuhatin pa ako nito ng paakyat na kami ng hagdanan. “Huwag na, sweetie. Kaya ko naman ang maglakad at umakyat. Narinig mo naman ang sabi ni Doc na normal ang lahat sa akin at sa ating baby.” Nagpa-awat ito, pero kung hindi ito pagod ay hindi rin siya papapigil sa gusto niya. Humawak ako sa kanya para alalayan ko siya. “Sweetie, hintayin na lang kita sa kama. Ipapahinga ko lang muna ang katawan ko, susunod ako sa iyo sa bathroom.” Paalam pa nito habang hinuhubad ang kanyang sapatos at medyas. “Sige, sweetie. Ipahinga m

