ANALYN’s POV “Wala po akong gusto sa kanya, Dad. Alam po ninyong may girlfriend ako. At hindi po ako magkakagusto sa kanya!” sambit ni Ninong Shador. Si Sir Aki ang kausap niya ng sabihin niya ito. Para akong sinampal nang paulit ulit. Wala rin naman akong gusto sa kanya dahil pinutol ko nan ga iyon dahil Ninong ko siya. Pero yung marinig ang ganitong salita, ang sakit pala. Pakiramdam ko pinagpipilitan ko ang sarili ko. Kung hindi naman ako nabuntis hindi ko naman ipagsasabi ang nangyari sa amin. Nag-iisip nga ako ng paraan para mabuo muli ang pagkabirhen ko. Kaya lang hindi na kasi dito rin sa pepe ko lalabas ang baby. Baka masaraduhan siya kapag pina-ayos ko. Saka wala pa akong pera, kailangan kong pag-ipunan iyon pero hindi na ngayon. Alam na nilang lahat. Iyak, galit at ang pag bul

