ANALYN’s POV Isinabay na ako ni Mr. Angeles pagpasok sa loob. Papunta raw siya sa opisina ni Daddy Aki. Dahil mabuting tao si Mr. Angeles ay ihahatid na niya ako para kung may maninita sa akin, siya na ang sasagot. “Kakilala pa lang kita pero naiinis ako sa mga taong mapanghusga. Dapat malaman ni Shador ang nangyari, at sa tingin ko kahit ang byenan mo ang makaalam sa nangyari sa baba ay may karampatang parusa rin ang ginawa nung guard sa iyo.” “Mr. Angeles, huwag na lang po ninyong sabihin. Kawawa naman po yung guard.” Nakiusap ako rito pero mukhang hindi siya papayag na hindi ipaalam kay Shador. “Good day, Mr. Angeles!” ang lapad nang ngiti na ibinigay ni Valerie rito. At ako ay parang hindi nakita. “Mrs. Enriquez, tila invisible ka yata. Ako lang ba ang nakakakita sa iyo rito?”

