ANALYN’s POV Napakadaldal talaga nitong si Mr. Antipatiko. Ang galing na patahimikin ako pero ang dami kaagad naidaldal kay Madam. Sasama pa tuloy ang loob sa akin ni Lea dahil pinagtaguan ko raw siya. Open kasi siya sa akin pero ako walang sinasabi sa kanya. Ang galing pa nitong si Mr. Antipatiko, nabilog pa si Madam at kinuha pang Ninang namin sa kasal. Feeling talaga eh. Pinagdududahan niya kung siya ba ang ama pero kung makasabi kay Madam na kukuning Ninang ay tila gusto na makasal kami. Hindi ko siya maintindihan tulad ng nararamdaman ko. Ang bilis kong mainis lalo na dito sa ama ng anak ko. Pinaupo ako sa unahan, ayaw ko sana mag-isip ng kung ano pero panay ang sulyap ng Antipatiko. Maglaway siya, hanggang tingin lang siya. Lahat ng sinasabi niya sa akin ay may bawian. Humanda

