ANALYN’s POV Totoo na isasama niya talaga ako sa kaniyang opisina. Pagbaba namin ng kotse ay agad naman ako nitong hinapit sa bewang. Nahihiya ako dahil baka kung ano ang sabihin ng mga kaopisina niya sa akin lalo na sa hitsura ko. Sanay pa naman sila na makita na ang kasama ni Shador ay mala modelo at beauty queen. “Cheer up and smile, sweetie pie,” anas nito sa akin. Napatingala pa ako rito at sinalubong ako ng kanyang nakangiting mukha. Ngumiti na rin ako. Kabi-kabila ang bumabati sa amin. Lahat ng nadadaanan namin. Malamang anak ng presidente ng kompanyang ito ang aking asawa. Hindi ko alam kung bakit parang kay dali para sa kanya ang gawing parang normal lang itong ipinapakita namin sa kanila. Kahit ang totoo ay sinusubukan lang namin. Pakiramdam ko kasi nanunumbalik ang nararamda

