ANALYN’s POV Ang lakas mambola ni Shador. Bagay raw ang suot kong damit sa akin. Kasama ito sa mga iniabot sa akin ni Shador na pinabibigay raw ni Mommy Sophie. Marami iyon kaya kahit araw-araw akong umalis ay may pang OOTD ako. Goodbye na sa mga mini skirt ko at crop top. Puro dress kasi yung binigay sa akin. Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Mommy Sophie. Nakakapag-biruan na kami ngayon ni Shador. Ganito talaga kapag pareho ang mind set namin ang makalabas sa kasal. Wala siyang sinasabi sa akin tungkol doon pero nauna siyang pumirma kaya alam ko na mas gigil siya na mapawalang – bisa ang aming kasal. Siya rin naman nagpagod doon kaya ngayon baka kuntodo effort, matapos ng mas maaga ang annulment namin. Kapag nakita nila kaming sweet ay mas madaliin nila. Dalawa pa sila ni Nanay

