SHADOR’s POV Gabi na ako na nakauwi ng bahay. Tahimik na ng dumating ako. Kumain na rin naman kami sa labas nina Daddy. Dumaan si Mommy kaya nagkayayaan na kami. Sabi ni Nanay Sabel kanina ay tapos na silang kumain. Kaya sumabay na rin ako sa parents ko. Dahil sa mall kami nagpunta, ibinili ko na siya ng phone. Nagpatulong na rin ako kay Mommy na bilhan si Analyn ng sandals at sapatos para sa party at pang-alis sa bahay. Luma na kasi ang dala niya pero maayos naman. Gusto ko lang siyang bigyan ng mga bagay na nararapat naman sa kanya. “Na-invite na natin ang mga relatives and friends natin para sa party sa Sunday.” Ani Mommy habang kumakain kami. “Opo, Mom.” “Kumusta pala si Analyn? Malungkot daw kanina, sabi ni Doc. Tumawag siya kanina at ibinalita sa akin ang lagay ng baby. Inga

