SHADOR’s POV Nagwawala na ang kalooban ni Analyn sa mga ginagawa ko sa kanya kanina. Sumama ito kay Shadie na mag-restroom. Baka natakot na maiwan siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa ngayon at mamaya lagot naman ako. Maganda ang aking asawa. Iyon talaga siya. Hindi lang siya nag-aayos at naglalagay ng kung anu-ano sa mukha kaya kung titingnan siya ay pangkaraniwan lang. Pero kung titigan siya, doon pa lang makikita ang tunay niyang ganda. Mas lalo na ngayon na nabago ang ayos ng kanyang buhok. Hindi na nakatago ang beauty niya. Ipinakita na talaga. Hindi ko mapigilan kanina na halikan ito sa harapan ni Kim. Unang – una, gusto kong malaman niya na hindi basehan ang size ng isang tao para mahalin ito. Kung looks ang usapan, mas maganda si Analyn sa kanya lalo na kung a

