55

1501 Words

ANALYN’s POV Ang hirap matulog kung ang dami mong iniisip. Pinag-iisipan ko ang mga sinabi ni Shador kung papayag ako pero hinayaan ko na siyang i-kiss ako kanina. Good night kiss daw iyon na ginaya ko rin. Nahihiya ako pero kalaban ko naman ang puso ko. Pinipigilan ng isipan ko pero iba naman ang nararamdaman ko. Iba ang dating sa akin ng kanyang mga halik. Nalulunod sa tuwa ang puso ko kaya ngayon susubukan kong muli siya ang pakinggan. Dalaginding pa lang ako ng magkaroon ako ng crush kay Shador. Hinihintay ko ang pagbabakasyon nila na bihirang-bihira. Hindi siya nakikipaglaro sa amin dahil mas matanda sila sa akin pero si Ate Shadie lagi niya akong niyaya na maglaro. Isinasama pa niya kami minsan sa bakuran nila at doon kami naglalaro. Nakikita ko noon si Shador at masaya na ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD