SHADOR’s POV Bukas na pala ang enrollment ni Analyn sa school na napili ko. Sa UST ako nakakita ng course na gusto niya, Bachelor of Science in Hospitality Management, major in Culinary Entrepreneurship. Hindi ako papasok bukas para masamahan ko siya. Madami pa itong gagawin ko, pero sumasakit na ang ulo ko. Kanina ko pa ito minamasahe para mawala. Nakatulog ang asawa ko, pinahiga ko muna siya sa couch. Wala na naman akong taong kakausapin kaya kaming dalawa lamang ang nandito. Isinandal ko muna ang aking ulo sa head rest at saka ko ipinikit ang aking mga mata. Minasahe ko ang mga sentido ko para maibsan ang pain na nararamdaman ko. Nagulat ako ng may humawak sa mga daliri ko. “Ako na ang magmamasahe. Mainit ang noo mo. Masama ba pakiramdam mo?” sinalat niya ang noo at leeg ko.

