“Nasaan na sina Shador at Analyn?” hanap agad ng isang matandang babae na hindi kumukupas ang kagandahan. Nakarating na ang mag-anak ng Enriquez kasama ang mga magulang ni Sophie. Si Grandmama at Grandpapa Paige. “Madam, nasa itaas po sila at nagpapahinga. Naglaro po ng basketball si Shador sa liga.” Paliwanag ng ina ni Analyn na siyang sumalubong sa mga ito. “Mama, magpahinga po muna kayo. Baka natutulog pa ang mag-asawa. Makikita mo po rin sila mamaya.” Medyo makulit na ang mama ni Sophie. Maiinipin at nasasabik din sa apo. Nagsi-akyat muna sa kanya-kanyang silid ang ibang anak nina Aki at Sophie. Mga napagod sa mahabang byahe pero ang kanilang grandmama ay tila hindi ininda ang mahabang byahe. Si Aki naman ay inililibot ang kanyang byenan sa palibot ng kabahayan para ipakita a

