SHADOR’s POV I'm so tired of how people judge others based on how they look. But when it comes to my spouse, I won't tolerate any disrespect. Hindi ko alam ang nangyayari sa may bench, dahil abala ako sa paglalaro. Pinagbigyan ko lang ang aking bayaw. Bonding ko lang sa kanya ito at gusto kong makita ang kinikilig kong asawa habang naglalaro ako. Ngunit kabaligtaran, imbis na matuwa siya ay naka-simangot ito. Hindi yata masaya sa inilalaro ko. Malaki na ang lamang namin kaya pwede na rin muna akong magpahinga. Magagaling din ang ka-grupo kaya hindi na pansin kung naka-upo ako. Nagsabi ako kay coach na ilabas na muna ako. Pabor na rin iyon sa ibang player para mabigyan naman sila ng playing time. Pumayag naman si coach. Nagmadali akong lumapit sa may bench. “Sweetie pie, may problema

