ANALYN’s POV Masaya ako na nagkita kaming muli ni Lea. Gusto ko siyang makausap dahil may mga katanungan ako sa kanya. Ngayon alam na niya na buntis ako at may karanasan na pero magkaiba pa rin kami kasi siya enjoy na enjoy siya kapag ginagawa nila iyon. Ako hindi ko naman naranasan yung ganoong sarap na sinasabi niya. “Ang gwapo naman ng mapapangasawa mo talaga!” umpisa nito sa akin. Gusto kong magtampo dahil si Shador ang kanyang napansin at hindi ako. “Sira ka talaga! Sa papel ko lang siya magiging asawa at dahil nabuntis niya ako. Wala naman kaming relasyon at wala kaming nararamdaman para sa isa’t isa.” Sagot ko dito. Ang landi nitong si Lea at parang gusto pang lumabas para magpa-cute kay Shador. Kaunti na lang mapipikon na ako sa babaeng ito. “Ano ka ba? Totohanin mo na. Mukha

