ANALYN’s POV Simula na nga ng pagbabago ng aking buhay. Totoo na ito, papunta na kami ng Manila. Doon na ako maninirahan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapahagulhol ng iyak dahil ito ang unang pagkakataon na malalayo ako sa pamilya ko. Ayaw kong kumalas ng yakap kay Inay. Ayaw kong sumama kay Shador. Gusto ko dito lang sa Santa Monica manirahan. Kaya lang ang mga magulang ko pa mismo ang nagtulak sa akin para makasakay sa kotse ni Shador. “Sige po, Inay, Itay, aalis na po kami ni Analyn.” Dinig kong pagpapaalam ni Shador sa aking mga magulang. Nakatanaw pa rin ako sa bintana habang papalayo kami at nang makalabas ang sasakyan sa gate ay hindi ko na sila makita. Mas lalong pumalahaw ang aking iyak. Wala akong ideya kung ano ang naghihintay na buhay sa akin doon. Baka doon ay

