ANALYN's POV Dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Shador, pagkarating ko dito sa bahay. Iniabot ko lang kay Nanay Sabel ang pasalubong ko sa kanya. Sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Valerie. Hindi naman nagtanong ang mga kaibigan ko kung ano ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Bakit alam niya ang tungkol doon? Matagal na iyon at halos nakalimutan na nga naming pag-usapan ni Shador tapos heto si Valerie at kung anu-ano na ang sinasabi niya. Ayaw kong maka-usp si Shador. Wala akong gana na makipag-kwentuhan sa kanya ngayon. Pinatay ko ang aking phone para hindi niya ako matawagan. Kaya lang ay makakapagsalita pa rin siya at makikita ako sa CCTV kaya dapat wala ako sa kwartong ito. Kumuha muna ako ng damit sa closet. Gusto kong mag-shower pero hindi rito sa kwarto namin

