"Anong ibig niyong sabihin?" "Kami ang kaibigan mo, Talisha. Magkakaibigan tayong tatlo." Sagot ni Martha. "Hindi ko kayo naiintindihan." Aniko kaya sila nagkatinginan at bumuntong hininga. "Ganito. Ipapaliwanag namin sa'yo lahat." Wika ni Bobbie. "Noong tayo na ang pupunta sa labas ng ating mundo ay ayos pa ang lahat. Ngunit sa ilang taon natin sa mundong pinanggalingan mo ngayon ay may isang lalaking kinahulugan mo ng loob." "Oo. Pinakilala mo siya saamin. Boto kami sakaniya ngunit hindi pwede dahil magkaiba tayo, Talisha. Buhay siya, totoong buhay at tayo'y hindi." Sabi ni Martha. "Ano ang gagawin natin sa mundong iyon?" Tanong ko. "Hindi mo ba talaga natatandaan? Siguro'y ito ang resulta ng kasunduang ginawa mo. "Nagpupunta tayo doon upang gawin ang kaniya-kaniya nating trabah

