Napatili muli ako ng masuntok ng kalaban si Marcus. At ng mapasubsob sa sahig ay agad siyang pinagsisipa ng kalaban. Damn! "Marcus!" Where the hell is his strength?! "Sige, Leandro. Lumaban ka, matutulad 'tong babae kay Rinaldi." Hagalpak ng lalaking may hawak sakin. Kita kong nanlaki ang mga mata ni Marcus at mariin na umiling. What? Magaya kay Rinaldi? Sino naman iyon? Nakita 'ko ang matinding epekto kay Marcus ng sabihin iyon ng lalaki. "Bitawan mo ako!" Sinubukan kong alisin ang braso ng lalaki sa leeg ko pero naramdaman kong may matigas na nakatutok bigla sa bunbunan ko! "Tangina!" Sigaw ni Marcus habang nakatingin sakin. Is he mad? Is he mad dahil nagkaroon siya ng aalahanin? I mouthed him I'm sorry pero umiling lang ito at napaiwas siya ng tingin dahil muli siyang hinampas ng

