"M-Marcus. .." Iling ko sakanya. Kumunot naman ang noo nito at bahagyang lumayo sakin. Pero kahit ganon ay hindi pa rin nito binitawan ang pisngi ko. "I'm sorry. .." hinging patawad ko. Lalong kumunot ang noo nito. "Sorry? For what, Elicia?" Dumilim ang mukha ni Marcus. "Sorry. ..." Pero si Greg ang pipiliin ko. Mukhang hindi kita kaya, at isa pa. .. Masama kang tao. Kailangan kong mabuhay, para may maisiwalat ako sa mga pulis at mahuli nila ang ilegal na ginagawa niyo. Pero bakit ganon? Ang linaw ng plano ko pero may parte sa katauhan ko na pilit umaayaw. Kaya habang maaga, kailangan ko ng makaalis dito. Delikado ako sa piling niya. Delikado ang lahat ng akin sakanya. "Did you try to escape?" Lalong dumilim ang mukha nito at nagkasalubong ang mga kilay. Pero nanatiling magaan ang kama

