Kasalukuyang kinakausap ni Marcus si Kian. Nasa loob sila ng study room at ang kasama ko ngayon ay ang tatlong under boss, Krishna at Kaila. "So, nagkaaminan na ba kayo?" Nakaupo kami ngayon sa half circle na sofa ni Marcus. Katabi ko si Avy at sa kaliwa ko nama'y si Kaila. Namula naman ako--at the same time, I felt sad. Yes, I love him. But I can't tell him. Iyon ang maglalayo sa'ming dalawa.. .I just need to do something that will make him angry, furious. .. Na sa sobrang galit nito ay makakalimutan nito ang nararamdaman niya sa'kin, and can make some black sands in my ring that will lead to my death. "Huy! Ano?" Pamimilit ni Avy. Nagsama pa silang dalawa para gisahin ako huh? "Base sa reaksyon niya, oo ang sagot." Panlalaglag ni Verix. Nagsitilian naman ang dalawa sa gilid ko

