Nanginginig ko siyang tinulak. Walang nagawa iyon, pero napalayo ko siya ng kaunti, at sapat na iyon sakin para huminga. "A-Aalis ako." Akmang tatagos na ako sa pader pero hinila nito ang kamay ko at marahas na inilapit sakanya. "I don't know how you do that kind of trick." Tukoy niya sa pagtagos ko mula sa pader. "But I won't let you go. Gayong napakarami mong alam." Hinila ako nito pabalik sa sofa. Pagak akong tumawa. Nakaya ko pa yon kahit natatakot na ako sakanya. "Tingin mo ba hindi ako makakatakas sayo? I am a ghost, kaya kong umalis, tumagos, kahit saan, kahit kailan." matapang na sagot ko. "Kaya ka niyang patayin sa salita niya." Napalunok ako ng marinig ko ang boses ng matanda sa ulo ko. It is a warn. Kaya niya akong patayin sa salita niya? Pero siya rin ang bubuhay sakin, a

